Ipinakita ni Gomez ang kaniyang suporta para sa Kapamilya network at sinabi na naniniwala siya na malapit na babalik sa telebisyon ang Kapamilya netwo
Sa naging panayam ni Ormoc City Mayor Richard Gomez sa ABS-CBN News kamakailan lamang, nabanggit niya ang tungkol sa nangyaring pagsasara ng ABS-CBN.
Ipinakita ni Gomez ang kaniyang suporta para sa Kapamilya network at sinabi na naniniwala siya na malapit na babalik sa telebisyon ang Kapamilya network.
Umaasa si Gomez na sana ay panandalian lamang ang pagsasara ng ABS-CBN dahil nasa 11,000 na empleyado din sa nasabing network ang mawawalan ng trabaho.
Umaasa din siya na sana ay matugunan kaagad ng mga opisyal ang prangkisa ng Kapamilya network o di naman ay kahit bigyan lamang sila ng provisionary nang sa gayon ay muli silang bumalik sa televisyon at magbigay ng serbisyo para sa mga Pilipino na umaasa sa nasabing network para sa mga impormasyon, lalo na sa krisis pangkalusugan na ating kinakaharap ngayon.
Ani Gomez,
“Hopefully temporary ‘yung pagsara sa ABS-CBN dahil napakaraming tao po ang nagtatrabaho diyan and marami akong kaibigang artista na nagta-trabaho sa ABS-CBN.”
Dagdag niya,
“Hopefully, matugunan na or kahit provisionary lang yung ibibigay sa kanila na pag-operate sa prangkisa nila nang sa ganon ay muling makapag-ere.”
Sa magkaperas na panayam, binunyag din ni Gomez na mayroon ng ilang mga artista ang humihingi ng tulong pinansyal dahil nawalan na sila ng trabaho dahil nga sa pagsasara ng ABS-CBN. Nabanggit ni Gomez na ang mga artista at personalidad ay maaari lamang kumita ng pera kung mayroong proyekto ang dadating o ibibigay sa kanila.
“Marami, tinutulungan ko in ways na kaya namin. Alam naman natin ang artista, kapag hindi nag-trabaho, walang kikitain.”
“Pano yan, yung trabaho namin per day kami e. Depende sa artista, may malalaking artista, may maliliit na artista. No work, no pay,” dagdag ng aktor.
Noong Martes ng gabi, Mayo 5, 2020, naglabas ng cease and order ang National Telecommunications Commission (NTC) upang ipatigil ang operasyon ng ABS-CBN dahil sa paso na ang kanilang prangkisa. Samantala, sa parehas na araw, sumunod naman ang Kapamilya network sa direktiba na ito ng NTC at nagpaalam na nga pansamantala sa telebisyon.
COMMENTS