Nadiskubre niya na totoo pala ang kinukwento ng kaniyang ina na siya ay anak ng isang Hari at isa talaga siyang Prinsesa.
Karamihan sa mga batang babae ay tiyak na pinapangarap na magkaroon ng mala-Fairytale na kwento ng buhay. Isa na din siguro sa pinakamagandang panaginip na ninanais ng mga batang babae ay maging isang prinsesa, pagtira sa malaki at malayong kaharian, makakilala ng prinsepe na babago sa takbo ng kanilang buhay, at mamuhay ng masaya habang buhay.
Ngunit, sa kwento ng isang Pilipino na ito na huli na lamang nang nalaman niya na ang ama pala niya ay siyang hari ng Malaysia.
Kung titignan natin, sa una ay aakalain lamang natin na gawa gawa lamang ang ganitong uri ng kwento. Ngunit, magugulat ka na lamang dahil ito ay hango sa tunay na buhay.
Kwento ng babae, noong una ay hindi talaga siya naniwala sa kwento ng kaniyang ina at iniisip lamang niya noon na gawa gawa lamang ito ng ina upang hindi na niya hanapin pa ang ama na hindi na niya nakilala.
![]() |
Ngunit, makalipas ang ilang taon, doon nga ay nadiskubre niya na totoo pala ang kinukwento ng kaniyang ina na siya ay anak ng isang Hari at isa talaga siyang Prinsesa.
Sa 'Humans of New York' para sa 'quarantine stories series', napagdesisyunan ng isang half-Pinay at half-Malaysian Princess na ibahagi ang nakakamanghang kwento ng kaniyang buhay.
Kwento niya, nagsimula niyang tanungin ang kaniyang ina tungkol sa kaniyang ama noong Kindergarten pa lamang siya dahil hindi niya ito nakilala at wala ding ama na um-attend sa kaniya noong mayroong event na naganap sa kanilang paaralan. Tanging tugon lamang ng kaniyang ina na masyadong abala ang kaniyang ama dahil sa mga kailangan nitong gawin bilang isang Hari ng Malaysia.
Labis din ang kalungkutan na kaniyang nadama nang hindi nakapunta ang kaniyang ama, ngunit, ito ay napalitan ng kasiyahan nang mapag-alaman niya na siya ay anak ng isang hari at siya ay isang prinsesa.
Makalipas ang ilang taon na paninirahan sa Pilipinas, sila ay lumipat sa Estados Unidos. Ngunit, sila ay nakatira lamang sa maliit na paupahang apartment noon kumpara sa magarbo at malaking palasyo kung saan nakatira ang mga prinsesa.
Noong nag-14 ayos na ang babae, mayroong hindi inaasahang numero ang tumawag sa kanilang tahanan at hindi din pamilyar sa kaniya ang boses nito. Kaya naman dali dali niya itong binigay sa kaniyang ina upang ito na ang sumagot.
Matapos ng tawag, nilapitan siya ng kaniyang ina at sinabi na nais siyang makilala ng kaniyang ama. Dahil dito, sila ay pumunta sa London at nanirahan ng pansamantala sa InterContinental Hotel.
Nagulat na lamang siya nang makilala ang kaniyang ama dahil isa nga talaga itong hari.
Ang kaniyang ama ay tinatawag sa kanilang bilang bilang 'Sultan of Pahang' o 'the king and the hereditary constitutional head of Pahang, Malaysia.' Mayroon na ding asawa ang kaniyang ama kung saan ang tawag naman dito ay 'official and royal consort' o 'Tengku Ampuan Afzan binti Tengku Panglima Perang Muhammad'.
Ang Pinay naman ay nakilala at tinagurian bilang 'His Royal Highess Sultan Haji Ahmad Shah Al-Musta'in Billah ibni Almarhum Sultan Abu Bakar Ri'ayatuddin Al-Mu'azzam Shah.'
Ngunit, nang pumanaw ang asawa nito, nakilala naman ng kaniyang ama si Kalsom binti Abdullah na siya ding muling napangasawa ng ama.
Sa kabila ng mga pagtataka at pagtatanong ng ilan kung bakit hindi pinakasalan ng hari ang kaniyang ina kahit pa man sila ay may anak na, marami pa ding bumilib sa ina ng Pinay dahil sa husay nito sa pagpapalaki sa kaniyang anak.
Marami ding mga netizens ang pumuri sa ina dahil kahit pa man mahirap ang pinagdaanan nito bilang single parent sa ilang taon, nagawa pa din nitong palakihin ng maayos ang babae.
COMMENTS