Laking gulat niya nang malaman na wala na pala siyang babalikang trabaho dahil tinanggal na siya ng nasabing network.
Dahil sa pagka-expire ng prangkisa ABS-CBN Kapamilya TV Network, napilitan silang isara ang kanilang TV station.
Dumagsa naman ang pakikiramay ng mga tao sa di-umanoy 'di-makatuwirang' pagtrato sa renewal ng franchise ng ABS-CBN.
Sa kabila ng dumaraming post at pagkondena sa pagsasara ng Kapamilya TV station, nagbigay naman ng matapang na pahayag si Jay Sonza, isang dating Journalist, sa kaniyang socmed tungkol sa kawalang katarungan nasabing network sa kanilang mga empleyado.
Isa sa mga binanggit ni Jay Sonza ay ang tungkol sa kaniyang co-journalist na Ruth Abao-Espinosa. Nagtrabaho si Ms. Ruth sa ABS-CBN at naging regular sa sikat na morning program na "Hoy Gising!"
Ayon kay Jay Sonza, isa si Ms. Ruth sa mga masisipag at mapagkakatiwalaang empleyado ng naturang network. Mahusay din siyang Radio Announcer at Television Newscaster. Dahil sa husay at galing, nagtrabaho din ng ilang taon si Ms. Ruth sa ABS-CBN.
Gayunpaman, kinailangan ni Ms. Ruth na mag-file ng maternity leave para makapagpahinga bago pa siya manganak. Nang mag-report na si Ms. Ruth sa ABS-CBN matapos ang kaniyang maternity leave, laking gulat niya nang malaman na wala na pala siyang babalikang trabaho dahil tinanggal na siya ng nasabing network.
Dahil sa kawalang-katarungang ito, humingi siya ng tulong sa National Labor Relation Commission.
Gayunpaman, hindi naging matagumpay ang isinampang reklamo ni Ms. Ruth Abao-Espinosa laban sa 'mayayaman at maimpluwensiyang mga Boss' dahil umano ay mayroong 'gumagapang sa kaso'.
Di nagtagal, kinuha naman ng DZRH si Ms. Ruth bilang tandem ni Mayor Lakay Deo ng ilang taon din. Ngayon naman ay mayroon siyang regular radio sa DWIZ.
Ang post nman na ito ni Jay Sonza ay shinare naman ni Ms. Ruth Abao-Espinosa sa kaniyang personal socmed account.
Gaya ni Ms. Ruth Abao Espinosa, isinama rin ni Jay Sonza ang masamang karanasan ng iba pang empleyado ng ABS-CBN na sina Dely 'Tiya Dely' Magpayo, Izza Reniva-Cruz, Ed Lingao at Rizal Cruz.
Sinabi naman ni Jay Sonza may mayroon pa siyang ibang kwento tungkol din sa iba pang empleyado ng ABS-CBN na may katulad na karanasan at na ibabahagi rin niya ito pagkalipas ng ilang mga araw.
COMMENTS