Nanatiling naghihintay si Moose ng mahabang panahon sa gilid ng higaan ng kaniyang amo sa ospital.
Sino ba ang makapagsasabi na walang damdamin ang mga hayop? Bagaman hindi nakapagsasalita gaya ng mga tao, ipinapakita ng mga alagang hayop, ang kanilang katapatan at pagmamahal sa kanilang mga amo sa kanilang ikinikilos.
Ganiyan ang punatunayan ng isang 3-y/o Labrador mix na si Moose. Mahal at nanatiling loyal si Moose sa kaniyang amo na nagkaroon ng sakit at sa kalaunan ay namatay din.
Gayunpaman, nanatiling naghihintay si Moose ng mahabang panahon sa gilid ng higaan ng kaniyang amo sa ospital, sa pag-asang babalik ang knaiyang amo at aalagaan siyang muli.
Naantig ng lubos ang mga taong nakakakita kay Moose sa tabi ng higaan ng kaniyang namayapang amo. May mga kumuha ng larawan ni Moose at inupload ito sa social media, habang ibinabahagi ang kwento ni Moose. Umaasa din namn sila na makahanap si Moose ng bagong pamilya na magmamahal sa kaniya.
Kinupkop naman ng Eleventh Hour Rescue sa Randolph New Jersey si Moose. At dahil naantig din naman sa kwento ni Moose, ibinahagi ng NorthStar Pet Rescue ang larawan at kwento ni Moose sa social media.
Ayon sa post ng NorthStar Pet Rescue, "Please help Moose find a new home and a family for him to love. He's a happy sweet boy by nature. He just need people to help his heart heal."
Idinagdag pa sa post, "But people, boy, does he love them! So much that Moose would do best in a home where he hasn't left home alone all day long, he misses his people too much."
Makalipas lamang ng ilang araw, nag-post din naman ng update ang NorthStar Pet Rescue. "Moose has been adopted by a wonderful family who will care for and love him for the rest of his life!"
Masaya tayong malaman ang ganitong kwento ng katapatan mul sa mga hayop na hindi ntin inaasahang magpapakita ng ganitong pagmamahal sa mga tao. Nawa nga ay magpakita tayo ng pagmamahal sa mga hayop sapagkat gaya natin, may damdamin din sila.
COMMENTS