Dahil nga isa itong banyaga, hindi mawala sa isipan ng kanyang mga magulang ang mag-alala dahil nga doon sila nakatira.
Kamakailan lamang, ang Singer-actress ng GMA Network na Glaiza de Castro ay nagbahagi ng kanyang saloobin tungkol sa tunay na ugali ng kanyang boyfriend.
Ayon sa aktres, dahil sa ginawang Enhanced Community Quarantine, mas nakilala pa ng kanyang mga magulang kung gaano kasipag at kabait si David.
Kwento nya, nung ma-stranded ang pamilya nila sa Baler, lugar ni David, ay hindi sila pinabayaan ng nobyo. Bagkus, pinatuloy sila nito sa bahay at magdadalawang buwan na silang inaalagaan ni David.
Pero dahil nga isa itong banyaga, hindi mawala sa isipan ng kanyang mga magulang ang mag-alala dahil nga doon sila nakatira. Ngunit ito ay napatunayan ng kanyang boyfriend na walang maling intensyon nito sa artista.
Dagdag ni Glaiza, sa kadahilanan ng lock down mas nakilala nito ang kanyang boyfriend dahil nga sa araw araw silang magkasama.
Sinabi niya na nakita niya na ang kanyang kasintahan ay may positibong pananaw sa buhay at alam niya kung paano makihalubilo sa mga tao. Mapapatunayan din ng kanilang kapitbahay kung gaano kabait at marunong makipagkapwa-tao si David at ipinagmamalaki niya iyon.
“So, nakaka-proud ‘yun para sa akin na kahit na hindi siya taga-dito or iba ‘yung kultura niya, napaparamdam niya sa parents ko most especially ‘yung concern niya hindi lang para sa akin kundi sa mga tao rin sa paligid ko.”
Pinagpa-planuhan na din ng dalawa ang kanilang maging buhay sa susunod at ang kanilang future. Matapos nga ang lock down ay maghahanap sila ng trabaho para sa kanilang bagong buhay.
COMMENTS