Sinasabi na isang French Mediterranean style ang bahay na ito ni John Lloyd.
Sino ba naman ang hindi makakakilala sa isa sa mga sikat at pinakamagaling na artista na ipinagmamalaki ng ating bansa na si John Lloyd Cruz?
Bukod sa magaling na aktor ay itinuturing din siyang 'Crush ng Bayan' dahil sa kanyang malalim na dimple, magagandang mga mata at nice personality dahil sa kanyang pagiging masayang kasama.
Kaya naman huwag na tayong magtaka kung makakabili sya ng kanyang mga ari-arian at isa na nga dito ay ang kanyang ipinagmamalaking bahay. Sinasabi na isang French Mediterranean style ang bahay na ito ni John Lloyd.
Sa labas pa lang ay makikita na natin na isa itong eleganteng bahay, ngunit alam niyo ba kung ano ang genre ng kanyang eleganteng bahay?
Ang salitang “COMFORT “ ang kasagutan sa tanong na iyan at ganyan din ang talagang gusto at pangarap ng aktor na si papa Loydi.
Ang bahay ni John Lloyd ay may sukat na 1100 metro at matatagpuan sa Antipolo City. Kinailangan pa daw ni Loydi ang tulong mula sa mga magagaling na architect at designer na sina Roland Andres at Danny Lucas upang makamtan ni John Lloyd ang kanyang pangarap na “COMFORTABLE “ House.
Kung papasukin natin ang loob ay una nating makikita ang bonggang American Design na interior ng bahay. Naglagay din siya ng munting fish pond na kung saan ay inilagay niya doon ang mga paborito nyang mga koi fish.
Sa loob ay makikita ang malapalasyong istilo ng hagdan na patungo sa ikalawang palapag ng kanyang bahay na kung saan ay makikita ang mga silid. Mayroon ding malaking orasan na nagmula pa kay Arte Español.
Sa kanyang hapag-kainan ay mayroong lamesa at sampung upuan na gawa pa sa Narra. Ang dining set na ito ay nabili niya sa Linea Furniture.
At habang kumakain ay matatanaw ang kagandahan ng kapaligiran ng kanyang bahay dahil sa clear sliding door.
COMMENTS