Isang estudyante ang aksidenteng naka diskubre ng isang baterya na tatagal diumano nang 400 years.
Sa mundo nga naman ng Science, maraming experimento ang kanya kanyang ginagawa upang maka diskubre ng panibagong produkto, material at marami pang iba.
Dito matutunan ang at makalaganap ng ibat ibang impormasyon basi sa mga bagong bagay na nadiskubre ng ilang siyentipiko.
Gaya lang naman ng isang estudyante mula sa University of California, Irvine na aksidenteng naka diskubre ng isang baterya na tatagal diumano nang 400 years?
Ayun kay Mya Le Thai, na kumukuha ng doctoral degree sa University of California, Irvine, nasa isang laboratory lamang sya noon nang napag isipan niya na galawin at suriin ang isang rechargeable battery.
Kadalasan ang isang rechargeable battery ay umiikot lamang sa 300 hanggang 500, at tumatagal lamang ng isang taon ang buhay.
Ngunit sa pagsusuri ni Thai sa isang rechargeable battery, ito ay umabot ng 200,000 cycle. Ito ay matapos masuri ang nanowire na sumusuporta sa tagal ng batterya.
Matapos ang ilang gamit sa pagsusuri gaya ng "coating set ng gold nanowires in manganese dioxide" at "Plexiglass-like electrolyte gel", napag-alaman niya na maaari itong tumagal habang buhay.
Tatlong buwan tumagal ang kanilang experimento noong umabot na sa 200,000 cycles. Dahil sa bagong pagdiskubre na ito, ang laptop batteries na gawa mula sa nasabing uri ng baterya ay maaring tumagal ng 400 years.
Dahil dito napag isipan ng kanilang grupo na suriin mabuti at mabigyan ng magandang presyo ang kanilang bagong experimento.
COMMENTS