Dinahilan ni Enchong na humina ang kanilang business at kailangan niya ng pambayad sa kanyang mamahaling sasakyan.
Sa pagkakaroon ng kaibigan makikita mo nga naman talaga kapag sino ang nandyan kapag ikaw ay nangagailangan ng tulong. Marahil ang iba ay hindi palagi nandyan, pero meron talagang mga kaibigan na sa isang tawag mo lang ay agad ka na nitong tutulungan at uunawain ang iyong sitwasyon.
Ngunit, hindi naman dito masusukat kung gaano katapat ang pagkakaibigan ng dalawa o higit pang tao. Mapa financial man o bagay ay may kanya kanya itong rason.
Isa sa mga recent video ni Enchong ay ang pag tawag sa mga kaibigan nito para humiram ng 3-5 million pesos. Sa prank call na ito, makikita kung tutulungan nga ba siya ng kanyang mga kaibigan or iignore lang lamang.
Bago paman inupload ni Enchong ang video sa kanyang YouTube account, ito ay naganap na bago inanunsyo ang ECQ. Kaya kasiyahan lamang ang tanging gustong ipa hiwatig ng aktor.
"The video was uploaded before the official quarantine was announced and purely enjoyment. It is not my intention to make light of our current situation. Stay safe everyone".
At ang tanging sumagot ng kanyang tawag ay sina, Erich, Maja, Gerald at Enrique.
Dinahilan ni Enchong na humina ang kanilang business at kailangan niya ng pambayad sa kanyang mamahaling sasakyan. Ito naman ang kanilang naging reaksyon at naging tugon sa tawag ni Enchong.
Enrique Gil: "Oh sige I'll talk to my mom. I'll my mom about it siya kasi yung nag hahandle. And I'm also doing construction business, makaka benta naman kmi ng isa".
Maja Salvador: "Makakaya ko 1 Chong"
Erich Gonzales: "Sige. Text kita now. I'll consult muna with makapangyarihan"
Gerald Anderson: "Sige Bro, let me see"
Nag iba naman ang reaksyon ni Erich ng malaman ito ay prank call lamang.
"Mean! Grabe, you know what, seriously, everyone's going crazy now and then you're doin that pa. Not cool ha? But really, if you need anything, text lang"
Bago matapos ang video ni Enchong sinabi niya ito ay entertainment lang at pinayuhan ang lahat na mag ingat at wag pabayaan ang sarili.
COMMENTS