Ellen Adarna, Ibinahagi Kung Paano Sya Nag Move-On Sa Panloloko Ng Dating Kasintahan

Muling naging matunog ang pangalan ng actress na si Ellen Adarna kamakailan lamang dahil sa kaniyang mga diretsahang at walang paligoy ligoy na pagsagot sa mga katanungan na ibinato ng kaniyang mga IG followers.


Muling naging matunog ang pangalan ng actress na si Ellen Adarna kamakailan lamang dahil sa kaniyang mga diretsahang at walang paligoy ligoy na pagsagot sa mga katanungan na ibinato ng kaniyang mga IG followers.

Mula sa kaniyang mga ginagawa araw-araw, ang morning workouts routine ng actress hanggang sa kaniyang mga dating nakarelasyon, kung paano siya nakamove-on mula sa mga heartbreak na pinagdaanan, at mga payo sa love life ay naitanong din sa actress.

Sa kaniyang 'Ask me a question' session sa IG Stories, walang pag-aalinlangan na sinagot ng 32-year-old actress ang bawat tanong na binabato ng kaniyang mga followers.


Dito ay naitanong pa sa actress kung bakit mayroon mga taong mas pinipili pa ding magloko sa kani-kanilang mga partner. Sinagot naman ito ng actress at sinabing,

“Simple, kay di sila kontento [hindi sila kuntento].”


Inamin ng actress na naranasan na niyang maloko ng dating nakarelasyon. Kinwento din ng actress kung paano niya nahuli ang panloloko na ginawa sa kaniya ng karelasyon habang siya ay nakatalikod at kung ano ang ginawa niya matapos malaman ang pagtatalsik nito.

Ani ng actress,

"Nagbakasyon siya at nahuli ko, pag-uwi niya sa aming bahay noon, wala na ang mga gamit ko. Hindi ko siya inaway, hindi ako nagtanong. I just left. Guwapa ko [Maganda ako, e]."


Dagdag pa ng actress, hindi naman siya ganoon nahirapan sa pagmo-move on sa hiwalayang iyon.

"Nagtataka yung ex ko, pag-uwi niya, asan na daw ang mga gamit ko, ayun, naka-move on na ako bago pa siya dumating sa bahay"

Pinayuhan din ni Ellen ang mga kababaihan na dapat ay hindi sila ang siyang naghahabol sa isang relasyon dahil sila ay mga babae at dapat alam nila kung paano pahalagahan at mahalin ang kanilang sarili.


"So, you know, he's not worth chasing. I never chase. And you shouldn't be chasing also, you know, because you're a woman. The egg doesn't swim to the sperm, it doesn't work that way."

Nang maitanong sa actress kung paano niya nagawang panatilihin ang pagiging matatag at independent na babae sa kabila ng heartbreak na kaniyang pinagdaaanan, simpleng sagot lamang nito,

"Because heartbreaks are just temporary. If you work hard to be a strong and independent woman, it can be forever. Dili na nimo problema, that's their problem. You just have to deal with the pain and get through it with composure."


Dagdag pa ng actress, hindi pa naman niya nararanasang maiwan ng kaniyang mga naging karelasyon. Ani Ellen,

"Hindi pa ako iniwan ‘Day, pero hiniwalayan na ako. Nakipagbalikan siya, pero hindi ko na tinanggap. So, hindi pa ako iniwanan."

Dahil sa mga naging sagot na ito ng actress tungkol sa mabibigat na katanungan na binato sa kaniya, marami naman sa ating mga netizens ang nagtatanong kung sino nga ba ang dating karelasyon na tinutukoy dito ni Ellen.

Samantala, tinanong din ang actress kung ano nga ba ang kaniyang 'ideal husband'.


Sagot naman niya na wala namang perpektong lalaki sa mundo at sinabi na ang mas mahalaga naman sa isang relasyon ay ang makahanap ng isang lalaki na masasabi mong katugma mo at tatanggapin ka sa kung sino at ano ka, maging lahat ng mga imperfections mo.

Si Ellen ay mayroong isang anak na lalaki na si Elias Modesto sa actor na si John Lloyd Cruz.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Ellen Adarna, Ibinahagi Kung Paano Sya Nag Move-On Sa Panloloko Ng Dating Kasintahan
Ellen Adarna, Ibinahagi Kung Paano Sya Nag Move-On Sa Panloloko Ng Dating Kasintahan
Muling naging matunog ang pangalan ng actress na si Ellen Adarna kamakailan lamang dahil sa kaniyang mga diretsahang at walang paligoy ligoy na pagsagot sa mga katanungan na ibinato ng kaniyang mga IG followers.
https://1.bp.blogspot.com/-NBci58wo3L4/XrAKfiTQd2I/AAAAAAACNEI/rnvFcuanqGoX8H9PsFZ3nKUxlUPO9E4ogCLcBGAsYHQ/s640/ask%2Bme%2Bellen.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-NBci58wo3L4/XrAKfiTQd2I/AAAAAAACNEI/rnvFcuanqGoX8H9PsFZ3nKUxlUPO9E4ogCLcBGAsYHQ/s72-c/ask%2Bme%2Bellen.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/05/ellen-adarna-ibinahagi-kung-paano-sya.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/05/ellen-adarna-ibinahagi-kung-paano-sya.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy