Kasalukuyang umuusbong ang kaniyang career at maraming mga projects kaya naman naging hamon sa kaniya ang kaniyang sitwasyon.
Mahalaga para sa isang artista na alagaan ang kaniyang sarili at ang pagkatao upang hindi mawala sa mundo ng showbiz. Kaunting pagkakamali o isyu lamang ay maaaring makasira sa kanilang career at baka nga hindi na makabalik pa.
Ganiyan ang inamin ng PBB teen housemate na si Karen Reyes sa kaniyang vlog. Kasalukuyang umuusbong ang kaniyang career at maraming mga projects kaya naman naging hamon sa kaniya ang kaniyang sitwasyon.
Ayon sa kaniyang vlog, nagkaroon siya ng maraming realization noong panahon ng ECQ. Napapanahon din dahil sa pagdiriwang ng Mother's Day. Kaya naman, proud na proud na inamin ni Karen na isa na siyang ganap na Mommy.
"For today's video meron lang po ako ipapakilala sa inyo na dalawa sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko at sila 'yung nagpabago talaga ng buhay ko. And I'm so happy and I'm so proud na ipapakilala ko na sila ngayon."
Taong 2016 nang ipagbuntis niya ang kaniyang panganay na si Olivia. Kasalukuyan siyang nasa pelikulang 'My Ex and Why's' noon pero natapos naman niya ang buong movie.
Naging emosyonal naman si Karen matapos aminin ang takot na nadama niya para sa kaniyang career.
Aniya, naitago niya ito ng limang buwan, gayundin sa kaniyang ina. June 16, 2017, iniluwal niya ang kaniyang panganay na si Olivia.
Inamin naman ni Karen na hindi inasahan ang pagbubuntis niya sa kaniyang ikalawang baby. Kasalukuyan din siyang nasa isang project kaya naman naging hamon muli ito sa kaniya. July 28, 2019 naman niya isinilang ang kaniyang second baby na si Lucas.

Sa kabila ng lahat, sinabi ni Karen, “Na-realize ko na bakit kailangan ko pang matakot eh nandito na ‘yung lakas ko? Nandito na ‘yung mga nagpapalakas sa akin. Natatakot kasi ako non ‘yung mga judgment. Ngayon napag-desisyonan ko na finally at nagkaroon na ako ng lakas ng loob na ipakilala sila dahil siguro ako kasi ‘yung tipo ng tao ng gusto kong ipagsigawan, ‘ung open book kasi ako.”
Matapos maging emosyonal, masayang ipinakilala ni Karen sa kaniyang mga followers ang kaniyang dalawang cute na anak na sila Olivia at Lucas.
Idinagdag din niya isasama na niya sila sa kaniyang mga vlogs at makakapag-upload na din ng mga pictures nila sa IG account niya.
COMMENTS