Dating PBB Housemate, Isa Nang Ganap Na Surgical Doctor Ngayon

Matapos sumali ni Alec sa PBB, hindi na niya natuloy pa ang karera niya sa industriya ng showbiz dahil mas pinili niyang mag-focus muna sa pag-aaral.


Marami sa atin ang siguradong nagtataka kung ano at kamusta na nga ba ang buhay ni Alec Dungo, ang naging 6th placer ng Pinoy Big Brother: Teen Edition 4.


Makalipas ang ilang taon nang siya ay sumali sa PBB, natupad na ngayon ni Alec ang isa sa mga pangarap na matagal na niyang nais makamit - ang pagiging isang doktor.


17 taong gulang pa lamang noon si Alec nang siya ay sumali sa PBB: Teen Edition 4 taong 2012. Kabilang sa kaniyang mga nakasabayan noon ay sina Myrtle Sarrosa, Joj at Jai, at Karen Reyes.




Ngunit, hindi naging matagumpay si Alec na makaabot sa big night ng nasabing programa dahil siya ay na-evict na ni Kuya nang ika-83 na araw na niya sa loob ng bahay nito.


Matapos sumali ni Alec sa PBB, hindi na niya natuloy pa ang karera niya sa industriya ng showbiz dahil mas pinili niyang mag-focus muna sa pag-aaral at siya nga ay naging isang Registered Pharmacist.



Ngunit, hindi pa dito natatapos ang pag-abot ni Alec sa kaniyang mga pangarap. Ipinagpatuloy niya ang pagdo-doctor sa University of Santo Tomas Faculty of Medicine and Surgery.


Nakapagtapos naman si Alec ng med school at siya ay naging ganap na doctor taong 2019. Makikita din talaga kay Alec ang kung gaano niya kagustong maging doctor.


Pinagbutihan niya ang kaniyang pag-aaral at sa huli siya ay nakapagtapos bilang cum laude. Bukod pa dito, siya ay nabigyan din ng parangal bilang "Meritissimus".




Sa kaniyang socmed post kamakailan lang, inihayag niya ang kaniyang pasasalamat para sa lahat ng mga tao na naging bahagi at sumuporta sa kaniya sa ilang taon na ginugol niya sa pag-aaral. Lubos ang tuwa na nararamdaman ni Alec dahil ang dating pinapangarap ay naabot na niya ngayon.


Aniya, hindi niya ito makakamit kung wala ang kaniyang pamilya at mga kaibigan na patuloy ang suportang ibinibigay sa kaniya. Dahil din sa kaniyang pananalig, sipag, at tiyaga nagawa niyang mapagtagumpayan na maabot ang pangarap na matagal ng minimithi.




Saad ni Alec sa kaniyang post,


"Today, my childhood dream turned into reality. Today I become a doctor. I would have never finished without the help of the Lord. You have blessed me so much by letting me go into med school and for helping me finish my last exam - with a bonus! Lord, You truly are amazing!


"To my family... I offer this humbling achievement to you. You are my inspiration. Thank you for helping me become the best version of myself, always. I share this accomplishment with mg Dungo and Chai family, my relatives, and my friends who have always believed in me.



"To my professors, UST-FMS staff, residents, and interna that I have met and worked with throughout my med journey, thank you.


"To my patients, thank you for making me realize that it isn't all about books. Thank you for teaching me to heal with compassion. You have inspired me to strive harder to become the best physician that I can be.


"To my revalida tribemates... and to our tribunal... - thank you for the experience of a lifetime."




Kahit pa man hindi naging big winner si Alec ng edisyon ng PBB kung saan siya sumali, naging matagumpay naman siya sa landas na kaniyang tinatahak ngayon dahil nagawa na niyang matupad ang pangarap na matagal ng minimithi.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Dating PBB Housemate, Isa Nang Ganap Na Surgical Doctor Ngayon
Dating PBB Housemate, Isa Nang Ganap Na Surgical Doctor Ngayon
Matapos sumali ni Alec sa PBB, hindi na niya natuloy pa ang karera niya sa industriya ng showbiz dahil mas pinili niyang mag-focus muna sa pag-aaral.
https://1.bp.blogspot.com/-hrVGd2PdbDg/Xs-gjzM9jFI/AAAAAAACSaM/bw_hIz-OblQOCcbTB2u7V4U_6QYVJcgqACK4BGAsYHg/w640-h336/alec%2Bdoc%2Bust.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-hrVGd2PdbDg/Xs-gjzM9jFI/AAAAAAACSaM/bw_hIz-OblQOCcbTB2u7V4U_6QYVJcgqACK4BGAsYHg/s72-w640-c-h336/alec%2Bdoc%2Bust.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/05/dating-pbb-housemate-isa-nang-ganap-na.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/05/dating-pbb-housemate-isa-nang-ganap-na.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy