Wala namang magawa ang mag-asawa kundi mag-extend din ng kanilang pananatili sa lugar na ito.
Naka-schedule na ang flight ni Maxene at nang kaniyang asawa patungong Indonesia para umattend sa isang Teacher's Training. At dahil hindi pa naman naipasasailalim ng Enhanced Community Quarantine ang Maynila kasama na ang buong lalawigan sa Luzon, itinuloy nila ang kanilang paglipad.
Gayunpaman, ng makarating na sila sa Bali Indonesia, saka naman nila nabalitaan ang malalang sitwasyon ng C0VID-I9 sa Maynila anupat kinailangan na itong ipa-lockdown ng Pangulo.
Pasimula Marso 15 nang ibaba ng Pangulong ang Lockdown sa buong Luzon. Dahil dyan, hindi na rin nakauwi ang aktres at ang kaniyang asawa. Extended naman ang lockdown hanggang Mayo 15.
Wala namang magawa ang mag-asawa kundi mag-extend din ng kanilang pananatili sa Bali, Insonesia. Gayunpaman, nagtraining naman sila para sa Soul, Body and Mind.
Sinabi naman ni Maxene na hindi kasama sa plano nilang mag-asawa ang mag-extend para magbakasyon pagkatapos ng training. Gayunpaman, dahil sa sitwasyon sa Pilipinas, napilitan silang magtagal doon.
Nakahanap naman silang mag-asawa ng accomodation na Eco friendly. Sinabi din niya na nananatili naman na C0VID free ang tinutuluyan nilang lugar kaya naman safe silang mag-asawa.
Bukas naman ang mga tindahan at mga restaurants sa lugar na iyon sa kabila ng pagkalat ng virus. Gayunpaman, 'at their own risk’ ang kalagayan doon kaya naman kailangan pa rin nilang magsuot mg facemask kapag nasa labas.
Kilala naman ang Bali Indonesia dahil sa mala-paraisong ganda nito. Napakaganda ng mga beach at kalikasang nakapaligid dito.
May mga yoga at meditation trainings din para sa inner peace at healing.
May ilan naman na nagsasabi na parang hindi naman pabigat sa mag-asawa na ma-extend ang kanilang pananatili sa Bali Indonesia dahil sa mga magandang lugar ito at sa mga experiences na nararanasan nila.
Gayunpaman, hindi naman mawawala sa isipan nila Maxene ang kanilang naiwang mga kamag-anak sa Pilipinas lalo pa at ang ilan sa kanila ay mga front liners din.
COMMENTS