Sa kabila ng matinding pagsuporta ng mga Kapamilya Artist para sa renewal ng franchise, hinangaan naman ng mga netizen si Cristine Reyes.
Maraming tao ang nalungkot sa tuluyang pag-shutdown ng ABS-CBN Kapamilya Network. Kaniya-kaniyang pagpapahayag naman ng pagkadismaya ang marami lalo na ang mga Kapamilya Artist na umaasang muling mag-operate ang naturang TV station.
Sa kabila ng matinding pagsuporta ng mga Kapamilya Artist para sa renewal ng franchise, hinangaan naman ng mga netizen ang naging positibong pahayag ni Cristine Reyes, isang Kapamilya Artist tungkol sa pagsasara ng ABS-CBN.
"16 na taon nang ako'y nagsimula sa aking karera. Ang bilis lumipas ng panahon. Minsan nasa taas. Minsan nasa ilalim. May kanya-kanya tayong oras. Walang permanente sa mundo. Lahat sa takdang oras ay may pagbabago na kahit sino sa atin ay hindi mapipigilan. May mga pangyayari sa buhay natin na planado at meron din naman na hindi planado. Lahat tayo may kanya-kanyang pag-subok sa buhay," pahayag ni Cristine sa kanyang socmed account."
Dagdag niya, "Tatag ng damdamin at taimtim na tiwala sa itaas. Lahat ng bagay ay lilipas, sa takdang panahon. Maraming salamat ABS-CBN sa 12 taon ng tiwala. Kapuso, Kapatid, Kapamilya. Lahat tayo ay iisang bayan."
Dahil sa pahayag na ito ni Cristine Reyes, maraming mga netizens ang natuwa at humanga sa kaniya.
Narito ang komento ng ilang netizens:
"You are blessed with having a matured outlook in life . . . may others in your network have the same outlook so that their attitude could gain respect from the whole nation."
"Your attitude is a good example towards many artist maam cristine humble and humility and respect u have while in the middle of the crisis."
"Strong woman with class. She knows her duties and responsibilities. Salute."
"She is the perfect example to her co-artist of abscbn. Calm, repsectful ang most of all common sense is the key."
"This is the way to handle a problem that you yourself dont have the idea how it began. Calmly and hoping that it will get settled and wull start a new life again."
Taong 2008 hanggang sa kasalukuyan ay may kontrata si Cristine sa ABS-CBN. Lubusang nakilala naman siya sa karakter niyang si Eva Fonda at pinakahuli sa FPJ's Ang Probinsyano.
COMMENTS