Binatilyong Ikinakahiya Ang Ina Dahil Sa 'Pangit' Na Itsura, Natauhan Nang Malaman Ang Dahilan Nito

Si Jaymark ay nag-iisang anak ni Aling Julie. Bata pa man ay naulila na siya sa ama at hindi niya ito naalala pa.


Sa kabila ng maibiging pagmamahal ng isang magulang, maaaring hindi ito suklian ng kaniyang anak, lalo na kung ikinakahiya niya ito. Ganiyang ang malungkot na kwento nina Jaymark at ng kaniyang nanay na si Julie.

Si Jaymark ay nag-iisang anak ni Aling Julie. Bata pa man ay naulila na siya sa ama at hindi niya ito naalala pa.

Bagaman matanda na, todo-kayod pa din si Aling Julie para masuportahan ang pangangailangan ng kaniyang anak. Ngayon, si Jaymark ay isa nang 2nd year IT student sa isang State University sa probinsya.


Palaging pinagsisilbihan ni Aling Julie si Jaymark. Isang umaga, tinanong niya ang kaniyang anak, “Anak, ito na ang almusal mo, gusto mo ba ng may gatas na kape o iyong barako lang?” 

"Kahit ano", ang walang damdaming tugon ni Jaymark sa kaniyang ina. Hindi man lang niya tinignan ang kaniyang ina.

Hindi close si Jaymark sa kaniyang ina, batay sa pagkakaalala niya. Marahil, noong bata pa siya ay malapit pa siya dito, pero nang magsimulang magkaisip si Jaymark, naging malayo na ng loob niya sa kaniyang ina anupat hindi niya ito makausap nang may kahinahunan.


Habang lumalaki si Jaymark, naging tampulan siya ng tukso ng mga bata niyang kalaro sa kanilang probinsiya. Pangit kasi ang kaniyang nanay. Dahil sa mga pang-aasar na ito, hindi nais ni Jaymark na maging malapit sa kaniyang ina, at siya mismo ay ikinakahiya at inaamin sa iba ang pangit na itsura at balat ng kaniyang ina.

Para hindi mapahiya, nagpapatawang sinasabi ni Jaymark sa kanila, “Oo nga eh kahit ako nga hindi ko matignan yan, ang panget no?”

Hindi alam ni Jaymark ang totoong dahilan kung bakit pangit ang kaniyang nanay. May malaking pilat ito sa mukha na halos sakupin na ang kalahati ng kaniyang mukha. Gayundin ang balat niya sa braso at binti.

Inakala naman ni Jaymark na may sakit sa balat ang kaniyang nanay kaniyang ikinakahiya ito at natatakot  na baka siya y mahawa. Nandidiri siya sa kaniyang nanay.


Matapos kumain at uminom ng kape, walang paalam na umalis si Jaymark para pumasok sa school. Pagdating doon, nakita niya ang kaniyang mga kaklase na nagkukumpulan.

Narinig niya ang isa sa kaniyang mga kaklase na nagsabi, "Oo ang hirap nga ng pinagawa ni Prof, napuyat ako rito kagabi." Tuloy, naalala ni Jaymark na mayroon pala silang assignment na ipapasa sa masungit na guro.

Inisip ni Jaymark na umuwi muna sandali para kuhanin sa bahay nila ang kaniya na asignment, tutal, ala-7 pa lang nang umaga. Papalabas na sana nang classroom si Jaymark nang makasalubong niya ang kaniyang guro

“Where are you going?” ang masungit na tanong ng kanilang guro. “W-wala po ma’am,”  ang sagot ni Jaymark. Napaupo na lang siya at nanlumo. Habang nagka-klase, mayroong kumatok sa pintuan ng classroom. Laking gulat ni Jaymark nang makita kung sino iyon.


“Magandang umaga po Ma’am.. nanay po ako ni Jaymark Sardilla..”

P*TANG INA NAMAN! ANO’NG KAHIHIYAN ‘TO?!

Nang tanungin ng guro kung ano ang sadya ni Aling Julie, sinabi niya, “Iaabot ko lang po sana itong naiwan niyang project.”

Mabilis na lumapit si Jaymark sa kaniyang ina, hinablot ang papel mula sa kamay nito at may kalakasang sinabi, “Umalis ka na!"

“Sorry Jaymark, dinala ko lang kasi nakita kong napuyat ka kagabi para diyan. Nakalimutan mo kasi, baka mapagalitan ka-”

“Alis na sabi!" giit ni Jaymark.


Napahiya si Aling Julie sa ginawa ni Jaymark kaya naman minabuti nitong umalis na lang kaagad. Nakangisi naman at nang-aasar ang tingin ng mga kaklase ni Jaymark. Hindi na lang niya iyon pinansin. Ang mahalaga, may project na siya at hindi mapapagalitan.

Matapos ang naunang klase, dumating na rin ang kanilang pangalawang guro. May edad na rin ito ngunit napakasungit. Nagsimula agad itong magturo.

“So ang bilang ng sunog na nagaganap dito sa Pilipinas ay bumaba ng 50% last February.. kung narinig ninyo na, napakataas ng fire occurence noon. Dito nga sa lugar natin ay may naganap na malaking sunog noong September 1997, maraming pamilya ang naapektuhan", paglalahad ng guro.


"I remember one of my neighbors before, Mrs.Sardilla..o wait, may ka-apelyido siya dito right?" Bumaling naman ang guro kay Jaymark.

"Jaymark..Sardilla. Are you familiar with Julie Sardilla?"

“Y-yes po. Mama ko po siya", nahihiyang sabi nito.

“So you’re the baby! Ikaw nga… Ang ganda-ganda ng nanay mo noon, nasa loob ka ng bahay diba? Did she tell you? Bumili ang mom mo sa labas at iniwan ka sa kasambahay, nang makarinig ng sunog ay iniwan ka ng kasambahay sa loob.”

”Tapos nang malaman ng mama mo, walang pag-aalinlangan ka nyang pinuntahan, ang bali-balita ibinalot ka sa basang kumot at sya ang sumugod nang walang kahit na ano. Kumusta na ang nanay mo?” tanong nito.


Nanlumo si Jaymark sa kaniyang mga nalaman at hindi nakasagot. Napahiya siya sa masamang pagtrato niya sa kaniyang ina. Tahimik din ang buong klase pagkatapos nang kanilang mga narinig. 

Tinawag ni Jaymark na 'Pangit' ang kaniya ina. Hindi niya alam, ang pilat na halos bumalot sa mukha ng kaniyang ina, sa kaniyang braso at binti, ang 'pangit' na mga markang ito ay katunayan nang walang pag-iimbot na pagmamahal ng kaniyang ina sa kaniya.

Biglang tumayo si Jaymark. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng kaniyang guro at mga kaklase. Ang mahalaga sa kaniya ngayon ay makausap ang kaniyang ina, lumuhod at humingi ng kapatawaran.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Binatilyong Ikinakahiya Ang Ina Dahil Sa 'Pangit' Na Itsura, Natauhan Nang Malaman Ang Dahilan Nito
Binatilyong Ikinakahiya Ang Ina Dahil Sa 'Pangit' Na Itsura, Natauhan Nang Malaman Ang Dahilan Nito
Si Jaymark ay nag-iisang anak ni Aling Julie. Bata pa man ay naulila na siya sa ama at hindi niya ito naalala pa.
https://1.bp.blogspot.com/-Gf7UQZism7Q/XsYpkCCK5cI/AAAAAAACQw8/LZ6LP3OMd886gcU0vToc4YJ5EFLYpm0qgCK4BGAsYHg/w640-h336/nanay%2Bpanget.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-Gf7UQZism7Q/XsYpkCCK5cI/AAAAAAACQw8/LZ6LP3OMd886gcU0vToc4YJ5EFLYpm0qgCK4BGAsYHg/s72-w640-c-h336/nanay%2Bpanget.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/05/binatilyong-ikinakahiya-ang-ina-dahil.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/05/binatilyong-ikinakahiya-ang-ina-dahil.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy