Gustong Makipagbalikan Ang Babaeng Ito Sa Dating Nobyo Nang Malamang Nasa Abroad Na Ito, Ngunit Naiyak Na Lamang Siya Nang Magkita Silang Muli

Napag-alaman ng lalaki na nais na palang makipaghiwalay ng kasintahan niya sa kaniya dahil hindi na ito masaya umano sa kanilang pagsasama.


Si Rowena at Kurt ay mahigit tatlong taon ng magkasintahan, ngunit hindi pa din tumitigil si Rowena na tumanggap ng mga manliligaw. Sinabi pa nga ni Rowena na hindi siya maaaring umunlad kung mananatili lamang siya sa piling ni Kurt dahil isang call center lamang ito. Si Rowena naman ay nagtatrabaho bilang isang sales lady sa isang mall sa Maynila.


Ang kinikita din naman nila ay sobra-sobra pa sa kanila dahil wala naman silang pamilyang tinutulungan dahil maganda at maayos naman ang buhay ng kani-kanilang mga magulang. Maging ang kanilang mga magulang ay hinihikayat na silang magpakasal at hahandugan pa sila ng mga magulang ni Kurt ng lupa at bahay sa Baguio.


Ngunit, mariing tinanggihan ito ni Rowena at sinabi na away niyang manirahan sa Baguio sa kadahilanan na hindi babagay ang paraan ng kaniyang pamumuhay sa naturang lugar.



Hindi din magawang pagsilbihan ni Rowena ang kasintahan kahit pa man sila ay nagli-live in na. Dahil dito, madalas ding pumapasok si Kurt sa trabaho nang may lukot lukot na damit at madalas ay nauulit pa ang medyas na gamit nito. Hindi na kasi maasikaso ni Kurt ang sarili dahil madalas siyang mag-overtime para lamang mabigay lahat ng mga luho ni Rowena. Mahilig kasing mag-mall at mag out of town ang babae.


May pagkakataon din na nakikita niyang may ka-text at ka-chat na iba ang kaniyang kasintahan ngunit ito ay binalewala na lamang niya dahil nga mahal na mahal niya ito at ayaw niyang mawala ito sa kaniyang buhay.


Ngunit, isang araw, hindi na umuwi si Rowena sa kanilang bahay kaya naman lubos ang pag-aalala ni Kurt sa kalagayan ng kasintahan. Doon ay napagpasyahan na niyang tawagan ang mga magulang ni Rowena at napag-alaman ng lalaki na nais na palang makipaghiwalay ng kasintahan niya sa kaniya dahil hindi na ito masaya umano sa kanilang pagsasama.



Dahil sa nangyari, napagpasyahan ni Kurt na magtrabaho na sa Japan bilang isang factory worker. Habang siya ay nasa Japan, napag-alaman niya na ibang lalaki na pala ang kinakasama ni Rowena. Dahil sa kaniyang nabalitaan, kaagad niyang niyaya ang mga kabarkada na mag-inom.


Lasing na lasing noon si Kurt at maging ang pagbalik niya sa bahay na inuupahan ay hindi na din niya magawa dahil sa sobrang kalasingan.

"Pinabantayan ka muna sa akin nila Alvin. Sa susunod uminom ka lang ng kung hanggang saan ang kaya mo. Grabe din naman itong bahay na tinutuluyan mo. Alam mo bang dito, kapag naging makalat ka ay pamamahayan ng malalaking daga ang bahay mo. Baka gusto mong magka leptospirosis?"



Inasar pa ni Kurt ang katrabahong si Lani at sinabi, "Ah talaga? Sige nga, paki spell ng leptospirosis."


Hindi maipagkakaila ang ganda na taglay ni Lani kahit simpleng lamang ito kung mag-ayos. Sa katunayan nga niyan, mayroon siyang lihim na pagtingin sa dalaga ngunit mas pinili niyang itago na lamang iton dahil ayon sa kaibigang si Alvin, ay kasal na si Lani.


"Hindi ka kasi marunong pumili ng babae! Tignan mo ako, tatandang dalaga na ako pera hinding hindi ako maloloko ng lalake," ani ni Lani.


Nagulat si Kurt sa narinig mula sa dalaga at nasambit na lamang niya, "Ha??? Wala ka pa bang asawa?"

Saad ni Lani, "Asawa? No way! Sakit lang sa ulo 'yan!"



Natawa na lamang si Kurt sa kaniyang sarili dahil naisip niya na muli na naman siyang napagtripan ni Alvin.


Dinapuan naman din kaagad si Kurt ng hiya para sa dalaga dahil nilinis pa nito ang makalat niyang bahay, maging ang kaniyang mga boxer shorts at brief ay nilabhan din nito.

"Hindi ka sanay ng naaalagaan, ano? Sabagay, malamang ang huling beses na napagsilbihan ka ng babae ay noong nakatira ka pa sa bahay ng nanay mo. Naiirita talaga ako diyan sa babaeng nangloko sa'yo!"


Matapos maamoy ang itlog, tuyo, at sinangag na niluto para sa kaniya ng dalawa, kaagad siyang pumunta sa lamesa at halos pa ngang limang minuto ay yari na siyang kumain.



Makalipas ang ilang minuto nang tignan niya ang kaniyang cellphone, nagulat na lamang siya dahil nag-message pala ang dating kasintahan na si Rowena sa kaniyang socmed account.


"Kamusta, dear? Balita ko, nasa Japan ka na pala. Sabi ko naman sa'yo di ba mag-abroad ka at mag-ipon. Wala na pala kami ni Tristan, yung ex kong siraulo! Nananakit sya at pinipilit akong magka-anak. Wala naman siyang ipangbubuhay sa amin!"


Nang mabasa ni Lani ang mensahe ng dating kasintahan ni Kurt, kaagad niyang inagawa ang cellphone nito at siya na mismo ang nag-reply sa mga chat nito. 


Para kay Kurt, hindi naman na siya apektado sa mensahe na natanggap mula kay Rowena dahil mas nangingibabaw na sa kaniya nararamdaman para kay Lani.



Sa kabilang banda, si Lani naman na ang ang siyang nag-reply kay Rowena at sinabing,


"Hi, love. Ang ganda-ganda mo lalo. Miss na miss na kita."


Paniwalang paniwala naman si Rowena sa mga nababasa at akala niya ay mauuto niya pa din si Kurt.


Wala na ding pakialam si Kurt para sa dating kasintahan. Sa katunayan nga, ibinigay pa niya ang password ng socmed accounts niya kay Lani upang ito na ang mag-reply sa mga mensahe ng dating kasintahan.


Makalipas ang isang taon, lalo pang nagustuhan ni Kurt si Lani. Ngunit, siya ay nahirapan kung paano ito sasabihin sa dalaga lalo pa at sinabi ni Alvin na isa itong bituin na napakahirap abutin.



Saad ng isang katrabaho ni Kurt na si Marvin, "Pare, sa tingin ko may gusto din sa iyo si Lani. Problema lang ay torpe ka. Kami ngang hindi kaguwapuhan, ang lalakas ng loob naming sumubok manligaw. Bakit hindi mo subukan?"


Hindi na lamang natuloy ni Kurt ang sasabihin nang hatakin siya ni Lani at tanungin kung gusto ba niya talaga siya o hindi. Sagot naman ni Kurt,


"Hindi kita gusto, Lani. Mahal na kita!"


Ani ng dalaga sa kaniya, "Pagkatapos ng kontrata natin at pag nakauwi ka't nagkita kayo ni Rowena, doon mo malalaman ang sagot ko."


Kahit hindi naintindihan ang nais ipahiwatig ng dalaga sa kaniya, sinimulan na niyang ligawan si Lani. Walang mintis na hinahatid niya ito sa bahay na tinitirhan. Doon ay mas lalo niyang nakilala kung gaano kabuti ang puso ni Lani at hindi niya napigilan na lalong mahulog sa dalaga. Napag-alaman niya na may kaya pala ang pamilya nito, ngunit mas gusto pa din nitong makatulong sa pamilya upang makabawi sa lahat ng sakripisyo at hirap nito para sa kanilang magkakapatid.


Makalipas ang tatlong taon at natapos na nga ang kontrata nila sa pabrika. Nadiskubre din ni Kurt na patuloy pa ding nagpapaligaw si Rowena at tila hanggang ngayon ay hindi pa din ito nakakahanap ng tao na mapeperahan niya.


Sambit ni Rowena, "Dear, hindi na ako makapaghintay na makauwi ka. Gusto ko sanang subukang makapunta naman sa Hongkong. Huwag mong kalilimutan ang mga pasalubong ko, ha?"



Inis na lamang ang naramdaman ni Lani nang mabasa ang mensahe ni Rowena. Ngunit, kahit ganoon nanatili pa ding walang pakeelam si Kurt at mas hinihintay na makauwi na sila upang malaman na ang isasagot sa kaniya ni Lani.


Nang sila ay nasa airport na, kaagad naman silang sinalubong ni Rowena na halos makita na ang kaluluwa nito sa sobrang revealing na suot suot na damit. Kinantyawan naman ito ng mga kaibigan ni Kurt ngunit tanging irap lamang ang sagot ni Rowena sa mga ito.


Yayakapin sana ni Rowena si Kurt ngunit tinaboy lamang ng binata ang kamay nito at sinabi,


"Hindi na kita mahal. Hindi ako ang nakakausap mo sa chat."


Napahiya naman si Rowena sa sinabi ni Kurt at tinawanan din siya ng mga kaibigan nito. 


Bulong ni Alvin na narinig naman ni Rowena, "Yan kasi, ang arte mo at mukha kang pera. Pahiya ka tuloy."



Makalipas ang ilang minuto, dumating naman na ang mga magulang at kapatid ni Lani. Kahit ninenerbiyos, binati pa din ni Kurt ang mga ito.

Gulat naman si Rowena sa lahat ng kaniyang narinig at hindi na napigilang mapaiyak.


Samantala, kinausap naman ni Kurt si Lani upang tanungin ang sagot na matagal na niyang hinihintay mula sa dalaga. Lalong mas nadurog ang puso ni Rowena nang marinig ang mga katagang iyon sa dating nobyo. Sinagot naman na din ni Lani si Kurt. Labis ang tuwa na nadarami ni Kurt nang mga oras na iyon dahil matapos ang ilang taong paghihintay ay sinagot na siya sa wakas ng babaeng mahal niya.


Habang sila ay naglalakad, nakakapit pa si Kurt sa bewang ni Lani habang nakasunod naman ang kani-kanilang pamilya papunta sa kani-kanilang sasakyan na dala.


Naiwang tulala at umiiyak naman si Rowena sa gitna ng airport. Hindi din siya nilingon ni Kurt at doon niya lalong nakita kung gaano kamahal ni Kurt si Lani.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Gustong Makipagbalikan Ang Babaeng Ito Sa Dating Nobyo Nang Malamang Nasa Abroad Na Ito, Ngunit Naiyak Na Lamang Siya Nang Magkita Silang Muli
Gustong Makipagbalikan Ang Babaeng Ito Sa Dating Nobyo Nang Malamang Nasa Abroad Na Ito, Ngunit Naiyak Na Lamang Siya Nang Magkita Silang Muli
Napag-alaman ng lalaki na nais na palang makipaghiwalay ng kasintahan niya sa kaniya dahil hindi na ito masaya umano sa kanilang pagsasama.
https://1.bp.blogspot.com/-d2Md0E_o0Uk/XsNsgTRHa3I/AAAAAAACQMs/7v7VbOLSLJYkMl4yPD4Hu1v1wO_UNmLJQCK4BGAsYHg/w640-h336/kurt%2Blove%2Blani.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-d2Md0E_o0Uk/XsNsgTRHa3I/AAAAAAACQMs/7v7VbOLSLJYkMl4yPD4Hu1v1wO_UNmLJQCK4BGAsYHg/s72-w640-c-h336/kurt%2Blove%2Blani.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/05/binalikan-ng-babaeng-ito-ang-dating.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/05/binalikan-ng-babaeng-ito-ang-dating.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy