Ibinahagi ng celebrity couple na sina Billy Crawford at Coleen Garcia kung ano ang kanilang pinagdaanan mag-asawa sa first trimester ng pregnancy.
Alam naman natin na hindi madali ang pagbubuntis, kailangan mong maging maingat at bantayan ang bawat galaw at kilos na kailangan mong gawin o ang mga pagkain na dapat mong kainin.
Kaya naman ang mga tatay ay talagang doble ingat at sobrang maalaga upang masigurado na ligtas at healthy ang kanilang asawa at magiging anak.
Nito lamang, ibinahagi ng celebrity couple na sina Billy Crawford at Coleen Garcia kung ano ang kanilang pinagdaanan mag-asawa sa first trimester ng pagbubuntis ni Coleen at kung paano nila nalaman ang lahat ng ito.
Ayon sa kanilang dalawa, nalaman nila ang magandang balitang ito habang sila ay nananatili sa New York upang magbakasyon. Saad ni Coleen, madalas talaga siyang umiinom ng pills dahil siya ay mayroong PC0S.
Ngunit, nang sila ay nasa New York naubusan naman si Coleen ng pills at walang reseta na dala kaya hindi din siya nakainom noon. Napagpasyahan ni Coleen na ipahinga na lamang ang sarili sa pag-inom ng pills.
Pumasok din noon sa isipan ni Coleen na tila sinasabi ng Panginoon sa kaniya na huwag niyang kontrolin o limitahan ang mga bawat bagay na nangyayari sa kaniyang buhay. Kaya naman noong napag-alaman nilang buntis si Coleen, alam na nilang ito ay regalo sa kanila ng Panginoon.
Ang dating co-host nila sa 'Its Showtime' na si Kuya Kim Atienza ang siyang unang nakaalam nito.
Saad ni Coleen, hindi naging madali para sa kaniya ang first trimester ng kaniyang pagbubuntis, mula sa kaniyang mga allergies at spotting na pinagdaanan. Kaya naman naka stay at home lamang siya at pinapahinga ng mabuti ang katawan.
Pinayuhan naman si Coleen ng kaniyang doctor na mag bed rest muna sa loob ng dalawang linggo dahil nga sa kaniyang sp0tting. Umayos naman ang pakiramdam ng actress matapos ang dalawang linggong pag inom inom ng gamot at pahinga.
Lubos din ang pasasalamat ng celebrity couple sa Panginoon dahil sa biyaya at gabay na binibigay Niya sa kanilang mag-asawa.
Marami naman sa ating mga netizens ang na-inspire sa kwento ng mag-asawa at sa bagong journey na kanilang tinatahak ngayon, tanging hiling nila ay ang pagiging malusog ng magiging anak ng mag-asawang Billy at Coleen.
Komento ng isang netizen:
"Inspiring! I'm literally crying not just about the baby but also on how God is being real to the both of you. I'm encouraged sa story nyo. Godbless your pregnancy!"
COMMENTS