Binanggit din naman niya mismo ang nakababata niyang kapatid na si Robin na wala umanong pakialam sa kaniya.
Naglabas ng sama ng loob si BB Gandanghari tungkol sa ipinanaramdam sa kaniya ng kaniyang pamilya sa kabila ng kumalat na balitang nakita umano siyang patay na sa kaniyang apartment.
April 25, 2020 nang maging trending na pumanaw na si BB Gandanghari, dating si Rustom Padilla, sa isang socmed post.
Ang kumalat na meme ay nagsasabing "BB Gandang Hari o Rustom Padilla Natagpunag P4tay sa Kanyang Apartment sa U.S. Panoorin ang video report".
Pinagmukha namang totoo ang balitang ito dahil ginamit ang larawan ng news anchor ng '24 Oras' na si Vicky Morales. Peke din ng site na sinasabing pinagmulan ng balitang iyon.
Matapos nito, naglabas naman ng sama ng loob si BB sa kaniyang IG Live noong April 28. Aniya sa kaniyang post:
"So ngayon, sa palagay niyo, nakakatulog ako sa apartment ko? Sa sinumang nagmamalasakit sa akin, sa palagay niyo, madaling matulog sa apartment ko? Kung sa pagpikit mo, ang iniisip mo ay yung maling balita... Di ba, parang double-edged sword, dinadala mong mag-isa yung balita?"
Idinagdag pa niya ang sama ng loob niya sa kaniyang sariling pamilya. Sinabi niya:
"E, ang problema ko talaga, pamilya. Kanya-kanya tayo ng dalahin, pero alam niyo kung may nagpapanggap."
"O, sige, huwag mo na akong tawagan, huwag ka nang mangumusta. Huwag mo nang tanungin kung anong nangyari," paghihimutok ni BB.
Binanggit din naman niya mismo ang nakababata niyang kapatid na si Robin na wala umanong pakialam sa kaniya.
"Halimbawa, si Robin, kung may mangyari sa kanyang ganito, naging trending, I will go out of my way and say, 'Okay, it’s a hoax.' Pero hindi. Yun talaga ang ugali. Pinababayaan ako. Inilalaglag ako sa ere. Yun ang pakiramdam ko."
"Ito ang naparamdam niyo sa akin sa lockdown, 'No amount of lockdown can make us call you. You call us! Hindi ba biglang napaisip na, 'Oo nga, baka nangyari ito kay BB, tawagan na nga natin.' Mabuti na nga’t hindi nangyari. Wala rin ganoon," dagdag ng aktor.
Nakipag-ugnyanan naman si BB sa FB upang mawala na ang malisyosong balitang ito at matigil na rin ang pagsi-share nito sa iba.
COMMENTS