Kamakailan ay naging usap-usapan ng maraming netizens sa social media kung ano-ano nga ba ang kahulugan ng tattoo ng aktres sa kanyang katawan.
Sa panahon ngayon marami na ang nagpapatattoo sa iba’t-ibang parte ng kanilang katawan. Iba-ibang symbolo at iba-ibang mga disenyo na may sarisariling kahulugan.
Maging ang mga sikat na artista ay nakakahiligan na din ang pagpapatattoo at kabilang na din dito ang sikat na aktres na si Nadine Alexis Paguia Lustre o mas kilala bilang Nadine Lustre.
Kamakailan ay naging usap-usapan ng maraming netizens sa social media kung ano-ano nga ba ang kahulugan ng tattoo ng aktres sa kanyang katawan.


Narito ang sampung tattoo ni Nadine kung saan ibinahagi ng isang Facebook user na nagngangalang Yvone Jadine Alamag ang mga kahulugan nito.
* Nozomi Komiya
Ayon sa ibinahagi ni Yvone, ang kahulugan ng tattoo na ito ay ay Japanese translation ng pangalan ni Nadine. Ang Nadine ay nangangahulugang HOPE, kung saan ang Japanese nito ay Nozomi at ang apelyido naman nito ay nangangahulugang Komiya. Dagdag pa nito, may dugo rin na Japanese ang aktres.
* Ma Cherie
Ayon sa aktres, ang tattoo nito na Ma Cherie ay nangangahulugang "I am my own sweetheart". Ito ay French word na ang kahulugan ay "my sweetheart".
* Crescent Moon
Ang crescent moon na tattoo naman nito sa kanyang pulso ay nagpapaalala sa kanya ng mga taong dumaan sakanyang buhay. Ito ay mula sa awiting ng banda na Coldplay na may pamagat na Everglow.
* Rose
Ang rose naman ay ang paboritong bulaklak ng aktres. Ito din ay sumisimbolo sa pagmamahal sa sarili.
* Heart
Ang pusong disenyo naman ng tattoo na ito ay nangangahulugang “to do everything with love”.
* Oh La La
Ito ay sumisimbolo sa paghanga ng aktres sa sikat na International Celebrity na si Lady Gaga.
* Wrist Tattoo
Ang tattoo naman niya na ito ay sumisimbolo sa pagkakaibigan nila ng kanyang mga best friend na sina Lauren, Andrea at Kiana.
* Nakayapak at Nahihiwagaan
Ito ay ipinatattoo ng aktress ng magdeath anniversary ang kanyang kapatid. Ito di-umano ang paboritong kanta ng kanyang kapatid at isa ito sa linya mula sa kantang "Tadhana".
* Vine
Ang kanyang tattoo na ito ay nagbibigay simbolo na kahit malayo na ang narating nito sa buhay ay mananatili itong nakaapak sa lupa.
* Ego Omnia

Na nangangahulugang “I am everything”.
Hindi mapagkakaila na talagang nahilig ang aktres sa mga tattoo kung saan ito ay nagbibigay ng simbolo sa ilan sa mga kaganapan sakanyang buhay at ito din ay nakakapagpaalala sakanya sa mga kanyang mahahalagang pinagdaanan.
COMMENTS