Para sa mga nakapanood na mga netizens sa video ni Kim ay tila madami ang naguluhan.
“Sa Classroom may Batas, Bawal Lumabas, Oh Bawal Lumabas”
Talaga nga namang nakaka LSS na o nakaka Last Song Syndrome ang naging trending video ni Kim Chiu hinggil sa pagpapahayag niya ng kanyang sarili dahil sa pagkaka temporary shutdown ng ABS-CBN.
Bukod kay Kim Chiu ay madami ding nagsalitang mga artista para sa Kapamilya ABS-CBN, nandyan sila Coco Martin, Vice Ganda at madami pa. Madami ang nakisimpatya ngunit mas madami ang mga naging bashers ng ating mga Kapamilya Artist lalong lalo na sa naging pahayag ni Kim Chiu.
Para sa mga nakapanood na mga netizens sa video ni Kim ay tila madami ang naguluhan.
Kinabukasan matapos ang trending statement ni Kim ay nanghingi din ng paumanhin si Kim sa mga netizens dahil siya mismo ay nagulat din siya sa kanyang mga sinabi na hindi din talaga maintindihan.
Kaya hanggang ngayon ay viral pa din ito sa social media at madami sa ating mga netizens ang gumawa pa ng mga memes na kung saan ay ginawan pa ng sariling tono at kanta ang pahayag ni Kim at pinamagatan itong “The Law of Classroom”.
Kung ang mga dance memes videos na kumakalat ngayon ay nakakatawa para sa atin, ngunit para kay Kim ay isa itong blessings.
Bakit? Sa dami ng mga viewers nito sa youtube ay hindi maitatanggi na malaki at patuloy na lalaki ang kinikita ngayon ni Kim Chiu pagdating sa mga Youtube Views, Likes at mga comments.
Di naman na lingid sa kaalaman ng lahat na kapag umabot sa milyon ang views ng isang video sa youtube ay siguradong malaki ang pwede mong kitain sa google.
Kaya naman gumawa na din ng sariling music video ang ating Chinita Princess sa tono ng kantang “The Law of Classroom” na siya ding nagpasikat. Maraming Salamat Kim! Pinasaya mo ang bawat Pilipino sa buong mundo ngayong panahon ng pandemya.
COMMENTS