Isa sa mga naging motibasyon niya ay ang nangyaring pangre-rap3 at pagpaslang sa kaniyang kaklase na hanggang ngayon ay hindi pa nabibigyan ng hustisya.
Isa lamang si Mae Diane Azores sa mga naging topnotcher para sa 2019 bar exam ng mga nais maging abogado.
Si Diane ay law graduate mula sa University of Santo Tomas. Saad ni Diane sa panayam sa radio station na Zagitzit-FM, hindi naging madali para sa kaniya na tahakin ang pag-aabogasya.
Ngunit isa sa mga naging motibasyon niya upang pagbutihin ang kaniyang pag-aaral at maging ganap na abogado balang araw ay ang nangyaring pangre-rap3 at pagpaslang sa kaniyang kaklase na hanggang ngayon ay hindi pa nabibigyan ng hustisya.
Saad ni Diane, natagpuan na lamang daw noong Nobyembre 2, 2011 ang b4ngkay ng kaniyang kaklase na si Laesybil Almonacid sa isang madamong lugar, 50 metro lamang ang layo sa kaniyang bahay sa Barangay Bascaran sa Daraga.
“What happened was so frustrating that it motivated me to take up law... so I could contribute to the justice system.”
Dagdag pa niya, sila ni Laesybil ay parehas na third-year college student sa Bicol University sa kursong accountancy nang maganap ang insidente.
“To the parents of Laesybil, don’t lose hope. Have faith in God. Justice can still be served.“
Naging interesado din si Dianne na malaman ang kalagayan ng mga empleyado at makapagbigay ng tulong sa mga ito, lalo na dahil karamihan sa kanila ay nawalan ng trabaho bunsod ng C0VID-I9 pandemic na kinakaharap ngayon ng bansa.
Maliban pa dito, isa din sa pinagkainteresan ni Diane habang siya ay nag-aaral pa ay ang isyu tungkol sa mga labor laws.
“The first person who predicted that I could be a Bar topnotcher was my professor in labor laws.”
Samantala, saad naman ng dating professor ni Azores na si retired judge Arnulfo Cabredo na noon pa lamang ay nakitaan na niya ng talino at kasipagan si Diane sa pag-aaral kaya alam niya na mapagtatagumpayan at makakasama ito sa mga topnotcher na kumuha ng bar exam para sa pag-aabogasya.
Ani Cabredo,
“Diane was a very diligent law student. I knew she would make it to the Top 10.”
COMMENTS