Madami ang nagulat matapos ipakilala ni Zeus ang kanyang girlfriend sa socmed.
Si Zeus Collins ay kilala sa pagiging magaling na dancer at isa din siya sa mga members ng HASHTAG boy group dancers na unang sumikat sa Its Showtime. Siya ay unang nakita sa telebisyon bilang isa sa mga housemates ni Kuya sa palabas na Pinoy Big Brother.
Nang siya ay nakalabas sa bahay ni Kuya ay maraming offers ang kanyang natanggap. Kaya naman ngayon ay sikat na siya sa showbiz lalong lalo na sa larangan ng pagsasayaw.
Kaya naman, madami ngayon ang nagtatanong kung sino ba ang girlfriend ngayon ni Zeus.
Madami ang nagulat matapos ipakilala ni Zeus ang kanyang girlfriend sa socmed. Sa katunayan ay ngayong kasagsagan ng pinalalawig na Enhanced Community Quarantine para sa pagpuksa sa COVID-19 ay hindi nalockdown na at hindi na nakauwi sa kanilang bahay si Zeus at nag stay siya ngayon sa bahay ng kanyang girlfriend na si Pauline.
Masayang masaya ang dancer na si Hashtag Zeus dahil tinulungan niya daw ang pamilya ni Pauline na magrepaint ng kanilang bahay. May video post pa nga na kung saan ay nagkiss ang dalawa habang nagpipintura.
Madami sa ating netizens ang kinilig sa video na iyon at mayroon ding isang video na kung saan ay parehas silang sumasayaw na kung saan ay madami nanaman sa kanyang fans ang kinilig dahil sa caption ng dancer na si Zeus.
Narito ang caption,
"Hindi sya sumasayaw, pero sasayaw daw sya pag ito ang music at step kasi favorite daw nya to. Ang galing mo my love. I love you. (WIth heart and kiss emoticon)"
Positibong komento at reaksyon ang natanggap nila Zeus at Pauline mula sa mga netizens. Kaya naman cheers to forever na sana ito para sa inyong dalawa.
COMMENTS