Mas kinalungkot pa ni Willie ay patuloy pa din ang pagdami ng kaso ng C0VID-I9 sa ating mga frontliners habang ang ilan sa kanila ay namam4tay na dahil sa naturang v1rus.
Ang Kapuso network host na si Willie Revillame ay kilala bilang isa sa mga personalidad na mapagbigay at matulungin sa mga kababayan na nangangailangan. Madalas niya ding ibinabahagi lahat ng mga blessings na kaniyang natatanggap sa mga mahihirap na kababayan at mga nangangailangan.
Sa nagdaan ngang episode ng GMA program na 'Wowowin', muli na namang pinatunayan ni Willie kung gaano kabuti ang kaniyang puso at kung gaano siya kahandang tulungan ang mga kababayan, lalo na sa C0VID-I9 krisis na kinakaharap ng ating bansa ngayon.
Sa naturang episode na ngayon ay usap-usapan na sa socmed, makikita na hindi na napigilan maging emosyonal ni Willie at naiyak na lamang siya matapos panoodin ang kalagayan ng ating mga frontliners ngayon na siyang sinasakripisyo ang buhay malabanan lamang ang C0VID-I9.
Mas kinalungkot pa ni Willie ay patuloy pa din ang pagdami ng kaso ng C0VID-I9 sa ating mga frontliners habang ang ilan sa kanila ay namam4tay na dahil sa naturang v1rus.
Kaya naman binigyan ng papuri ni Willie ang mga doctor, nurse, police officer, soldier, at iba pang mga empleyado na pumapasok pa din ngayon sa gitna ng C0VID-I9 para lamang makapabigay ng serbisyo para sa mga kababayan.
Hinikayat din ng 'Wowowin' host ang publiko na manatili na lamang sa kani-kanilang bahay, kung wala namang importanteng lakad sa labas, at sundin ang quarantine protocls na ipinapatupad sa ating bansa ngayon nang sa gayon ay muli ng makabalik ang ating mga frontliners sa kanilang mga mahal sa buhay.
Hiling niya din na sana ay huwag ng maging makulit ang mga tao upang hindi na din sila makadagdag pa sa problema at hirap na kinakaharap ngayon ng ating mga frontliners.
Si Willie Revillame ay isa sa mga tinuturing na pinakakilala at pinakamayamang host sa ating bansa. Ngunit, bago pa man siya maging Kapuso star, siya muna ay nagtrabaho din sa ABS-CBN at naging host ng kilalang show dati na 'Wowowee'.
COMMENTS