Kamakailan lamang, naging viral sa social media ang isang video clip ng isang bata na tumakbo papunta sa kaniyang ama para yumakap dito, ngunit siya ay binalutan ng kaniyang lolo ng mga plastic.
Talaga nga namang malaki ang naging epekto ng C0VID-19 sa buong mundo dahil karamihan sa mga pamilya ngayon ay hiwalay sa kani-kanilang pamilya at karamihan din ay kailangan manatili sa kanilang mga tahanan upang maiwasan ang pagdami ng kaso ng kaso sa buong mundo.
Kahit pa man marami sa atin ang nagsasabi na ang C0VID-19 ay mayroon pa ring magandang dulot sa ating mundo dahil unti-unti na ring nakaka-recover ang mundo mula sa mga ginagawa ng mga tao at unti-unti na rin nating nararamdaman at napagtatanto ang hirap at nararamdaman ng mga hayop tuwing sila ay nakakulong at hindi makalabas.
Ngunit, sa kabila nito, malaki pa din ang epekto ng C0VID-19 para sa ating lahat, lalo na sa mga pamilya ng mga C0VID-19 patients at maging sa ating mga frontliners na tinitiis na malayo at hindi makalapit sa kanilang pamilya para lamang masigurado ang kaligtasan ng mga ito mula sa naturang v1rus.
Maging ang ating mga frontliners din na mga police officers at iba pang mga awtoridad na kasalukuyan ngayong nagbabantay sa mga checkpoints sa entry at exit points ng bawat lugar sa iba't ibang panig ng mundo.
Araw-araw din ay nakakasalamuha sila ng madaming tao kaya naman ang ating mga frontliners na ito ay kailangan din sumailalim sa self-quarantine upang masiguro ang kaligtasan ng kanilang pamilya at hindi makakuha ng naturang v1rus, kung sakali man na sila ay kabilang sa mga asymptomatic C0VID-19 carriers.
Kamakailan lamang, kumalat online ang isang makapagdamdaming video ng batang babae na tumakbo papunta sa kaniyang ama para yumakap dito, ngunit siya ay binalutan ng kaniyang lolo ng mga plastic.
Dahil halos isang linggo na ding hindi nakikita ng bata ang kaniyang ama, naisip ng kaniyang lolo na ibalot siya sa plastic nang sa gayon ay makalapit siya sa kaniyang ama at mayakap man lamang ito.
Makikita sa video na inayos muna ng lolo ang mask na suot suot ng kaniyang apo bago pa man niya ito itulak papalapit sa ama nito.
Mabilis namang tumakbo ang bata sa patrol car na sinasakyan ng kaniyang ama, na naghihintay na upang siya ay mayakap muli.
Ang pangyayaring ito ay talaga nga namang nakakadurog ng puso kaya naman marami sa ating mga netizens ang naging emosyonal na din nang mapanood ang sweet moment ng mag-ama.
Ang ama ng bata ay isa sa mga frontliner. Hindi nito maaaring makasama ang kaniyang anak o mayakap man lang kung ito ay walang suot na plastic o kahit anong proteksyon sa katawan. Ngunit, ang video clip ay nagpapakita lamang kung gaano kamahal ng ama ang kaniyang anak.
Saad ni Debbie Bustos Contreras,
“How hard. We never even dreamed that we were going to see this one day.”
COMMENTS