Gaano na ba kalaki ang halagang ginugol ni Manny Pacquiao sa pagpapagawa ng Super Yatch na ito?
Ang haba nito ay nasa 45 meters na may kagamitan na sa loob. Mayroon din itong Master Suite, 13 stateroom at pribadong alfresco area. Mayroon din itong 14 na kuwarto, pader na gawa sa rattan at sahig na gawa sa Nara.
May relaxation area, music room at hot tub sa pinaka-main deck. Dahil sa mga features nito, tingurian itong "Super Yatch".
Ang M/Y Queen 888 "Super Yatch" ay ginagawa ng Jotar Ship Building sa Saranggani General Santos City. Malapit na rin itong matapos ngayon.
Gaano na ba kalaki ang halagang ginugol ni Manny Pacquiao sa pagpapagawa ng Super Yatch na ito?
Tinataya na aabot ito sa 500 milyon na halos kalahating bilyon na ang katumbas.
Hindi naman maikakaila na isa si Manny Pacquiao sa pinakamayayamang atleta sa buong mundo sa ating kasalukuyng panahon.
Mula 2010 hanggang 2019, mayroon ng $435 Milyon on 22 Bilyong piso si Manny. Ayon pa sa Forbes, kasama ni Manny Pacquiao sa Top Ten List of Richest Athletes kung saan siya ang nasa ika-8 puwesto.
Kasama niya sa listahan sina Floyd Mayweather Jr., LeBron James, Tiger Woods, Roger Federer at iba pa.
Si Mayweather naman ang Top 1 na may $915 million. Top 2 naman football icon na si Cristiano Ronaldo na may $800 million at Top 3 si Lionel Messi na may $750 million na isa ring football icon.
Unang nakilala si Manny sa larangan ng pagbo-boksing. Dahil sa kaniyang matiyaga at mataktikang pag-eensayo, naging kilala si Manny sa buong mundo bilang isa sa mahuhusay na boksingero at binansagan naman na isang Filipino Boxing Legend.
Bukas palad naman si Manny Pacquiao sa kaniyang mga kababayan anupat sa kaniyang mga kinikita, ibinabahagi niya ito sa maraming Pilipino.
Marami naman ang nasasabik na makita ang magiging hitsura ng Super Yatch na ito ni Manny.
COMMENTS