Makikita sa mga larawan na ibinahagi ng ABS-CBN Entertainment sa socmed, ang magandang mukha ni Angel kahit noong bata pa lamang siya.
Isa sa pinakamagagandang mukha sa mundo ng showbiz ang aktres na si Angelica Locsin Colmenares o mas kilala bilang Angel Locsin. Pero hindi lang sa magandang mukha nakilala si Angel. Isa rin siyang mahusay na aktres na nakatanggap ng napakaraming parangal.
At dahil panahon ng enhanced community quarantine, nauuso na ngayon ang pagpo-post sa socmed ng mga throwback photos. Marami ang nakikibahagi sa challenge na iyan at talaga namang kawili-wiling tignan ang mga lumang larawan.
Makikita sa mga larawan na ibinahagi ng ABS-CBN Entertainment sa socmed, ang magandang mukha ni Angel kahit noong bata pa lamang siya. Marami naman ang naaliw at napahanga sa pag-browse ng mga lumang pictures ni Angel.
Gaya nang makikita sa mga larawan ni Angel, mula pa sa pagkabata hanggang sa pagiging isang dalagita ay natural ng ganda ni Angel at halos hindi nagbago ang itsura niya mula noon.
Marami naman sa mga fans ang napapaisip sa kung ano ang kaniyang sikreto para mapanatili ang kaniyang kabataan at halos hindi tumatandang mukha.
Bagaman si Angel ang isang babae na may natatanging ganda, hindi naman maikakaila na mayroon din siyang magandamg personalidad.
Sa panahon ng sakuna at kahirapan, palagi nating nakikita si Angel sa pagboboluntaryo sa pamamahagi ng relief goods at nang iba pang tulong. Handang isakripisyo ni Angel ang kaniyang sarili para sa kapakanan ng iba.
Dahil diyan, hindi mapigilan ang mga netizen na purihin si Angel. Nasabi ng isang netizen, "Isa kang angel na bumababa sa lupa, sana maraming artista ang katulad mo na ganyan, may busilak ang puso,. . .hinangaan na kita".
Mayroon din nagsabi, "She's truly an Angel". Dahil diyan, patuloy na dumarami ang tagahanga ng dalagang aktres.
Talaga naman na pinatunayan ni Angel na hindi lang panlabas ang taglay niyang kagandahan kundi ang panloob at busilak na puso na handang tumulong sa iba.
COMMENTS