Kasama din sa mga makakatanggap ng benepisyong ito ay ang mga miyembro na nawalan ng trabaho simula nang ipatupad ang ECQ sa bansa.
Dahil dito, isa ngayon sa pinoproblema ng ating gobyerno ang ayuda na kanilang ibibigay para sa mga mahihirap na Pinoy na apektado ng ECQ.
Ngunit, hindi din naman nating puwede iasa ang lahat sa ating gobyerno dahil napakadami ng populasyon sa ating bansa at ang budget ng gobyerno ay hindi naman sapat para ibahagi sa ating lahat.
Sa ulat na inilabas ng JBSolis kamakailan lang, sinabi nito na maaaring makakuha ng tinatayang Php20,000 Calamity loan ang mga SSS members.
Sa pahayag naman na inilabas ni SSS Head of Public Affairs Fernan Nicolas, sinabi nito na ang Social Security System (SSS) ay magbibigay ng tinatayang Php20,000 calamity loan para sa mga miyembro ng naturang ahensya na lubos na apektado ngayon ng krisis na kinakaharap ng ating bansa.
Dagdag pa ng ahensya, maaari ng makapag-apply ang mga SSS members thru online kaya naman hindi na nila kailangan pang lumabas ng bahay para lamang makapunta sa opisina ng SSS para makapag-apply. Ang programa at benepisyo naman na ito ng SSS ay sinasabing lalabas na sa susunod na dalawang linggo.
Ani Nicolas sa kaniyang panayam sa RadioTV sa News Tv,
"Pino-program lang po namin ang aming computer system kasi first time po na mago-offer kami ng calamity loan using the online facility, kasi nga po bawal lumabas ang mga tao."
Nang tanungin naman si Nicolas kung paano ang magiging proseso ng paga-apply ng PAG-IBIG CALAMITY LOAN, sagot nito,
"By second week of April po, puwede na po iyang ma-avail. Mai-implement na po namin iyan."
Saad pa ni Nicolas, maaari pa ding makapag-apply ng calamity loan o makakuha ng benepisyo ang kahit na sinong SSS members kahit pa man sila ay kasalukuyang mayroong salary loan. Basta lamang daw makakapagbayad pa din ito sa kaniyang loan sa itinakdang oras.
Maaari na din makapag-apply ang mga aktibong miyembro ng SSS ng kanilang salary loan online sa pamamagitan ng pag log in sa MySSS o sa mismong website ng SSS.
"As long as hindi ka delinquent borrower, puwede ka sa calamity loan."
Dagdag niya,
"Sa regular salary loan, wala ng masyadong documentation na kailangan. May form lang online, at ipa-process po ito ng SSS. Ginagawan po namin ng paraan na maipasok ito sa savings account nila."
Pagpapatuloy pa ni Nicolas, maaari na din makapag-apply ang mga pensyonado na mga miyembro ng kanilang Pensioners Loan.
Kasama din sa mga makakatanggap ng benepisyong ito ay ang mga miyembro na nawalan ng trabaho simula nang ipatupad ang ECQ sa bansa. Maaari naman nilang makuha ang kanilang Unemployment benefit kung saan makakatanggap sila ng mahigit sa Php20,000, depende sa kanilang sahod.
Ani Nicolas, ang benepisyong matatanggap na ito ng mga SSS members ay hindi na nila kailangan bayaran dahil hindi ito tinuturing bilang utang nila sa ahensya kung hindi ito ay tulong na ibibigay ng ahensya para sa mga miyembro na nawalan ng hanapbuhay o trabaho dahil sa ECQ.
Ngunit, pinaalalahanan ni Nicolas ang lahat na bago makuha ang benepisyong ito ay dapat na isa ka munang miyembro ng SSS at nagbabayad na dito sa loob ng tatlong taon.
"Ito po ang ayuda natin para makapagsimula sila ulit."
Narito ang proseso kung paano makakapag-aaply ng SSS Salary Loan:
1. Mag-register o mag-log-in sa My.SSSS via www.sss.gov.ph
2. Mag-apply para sa Salary Loan Online
3. Makakatanggap ka naman ng text message mula dito na nagsasabi na pinapayagan ka ng makakuha ng loan.
4. Maaari kang makapagbayad gamit ang Payment Reference Number (PRN)
COMMENTS