Kung hindi ninyo alam ay mahilig pala si Vhong sa pagkokolekta ng mga laruan.
Si Vhong Navarro o Ferdinand Hipolito Navarro sa tunay na buhay ay kilala sa pagiging magaling na aktor, comedian at dancer. Isa din sya sa mga laging inaabangan sa noontime show na “Its Showtime” sa Kapamilya ABS-CBN Channel bilang host ng naturang palabas.
Kasama ni Vhong Navarro ang ilan sa mga sikat din at magagaling na artista at co-host na sila Vice Ganda, Anne Curtis, Jhong Hilario at iba pa. May mga ilan din siyang pelikula at guestings sa ibat ibang shows sa Kapamilya Channel.
Kaya naman madami ang nagtatanong kung ano pa ang ibang libangan ni Vhong sa kabila ng busy nyang schedule sa showbiz.
Kung hindi ninyo alam ay mahilig pala si Vhong sa pagkokolekta ng mga laruan. Ipinakita niya sa RatedK ang kanyang Japanese Collectible Toys na tinatawag na Bearbrick.
Ang Bearbrick ay idinisenyo at ginawa ng Japanese company na Medicom Toy Incorporated. Ang pangalan na Bearbrick ay mula sa cartoon style na representasyon ng isang bear na may potbelly.
Ang laruang ito ay may ulo, torso, baywang, dalawang braso, at dalawang binti. Ang naturang laruang ito ay mayroon ding walong moveable points.
Ang pagkokolek ni Vhong ng mga gantong laruan ay sinasabing nagpaparelax sa kanya sa tuwing hindi maganda ang mood nya o may pinagdadaanang problema. Lalo nya daw naapreciate ang mga koleksyon niya lalo na noong nawala ang kanyang daddy noong taong 2017.
Sabi nga niya sa isang interview,
"Sobrang ang bigat ng pakiramdam ko… Hindi ako pumapasok sa Showtime, so parang naghahanap ako ng outlet para sumaya. Kasi kahit saan ako pumunta, talagang hindi ko maalis sa isipan ko ‘yong daddy ko na nasa ICU. Natutuwa ako kapag bumibili ako kasi parang nalilimutan ko panandalian ‘yong problema ko"
Ipinakita nya sa video ang mga nakolekta nyang laruan at iyon ay ang mga karakter nila Star Wars, Teenage Mutant Ninja Turtles, Sesame Street, Kingsman, Coco, Looney Tunes, The Muppets and Planet of the Apes, Garfield, Kill Bill, Mr. Incredible, The Rocketeer, Pennywise at maging ang music legend na si Michael Jackson.
At sa ngayon ay may bago siyang koleksyon na laruan na karakter naman nila Taxi Driver, Muhammad Ali, Shazam, Marilyn Monroe, Chucky, Jigsaw, karagdagang Star Wars characters, R2D2, C3PO, Darth Maul at Darth Vader na ibinahagi niya naman sa kanyang Ig account.
COMMENTS