Reaksyon Ng Mga Anak Ng Mag-Asawang Pacquaio Nang Makatikim Ng Bagoong Sa Unang Pagkakataon

Ibinahagi rin naman ni Manny sa kaniyang mga anak na ang nasabing pagkain ang madalas nilang kainin noong walang wala pa sila.


Muli na namang naghatid ng goodvibes para sa maraming netizens ang bagong vlog na in-upload ng asawa ni Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao sa kaniyang YouTube channel.

Ginawa ng pamilya Pacquiao ang tinatawag na 'Ginamos Challenge' sa Visayas samantalang 'Bagoong Challenge' naman sa Tagalog.

Saad ni Jinkee sa kaniyang vlog, naisipan niyang gawin ang challenge na ito dahil hindi pa nararanasan ng mga anak nila ni Manny na kumain ng nilagang saging na mayroong ginamos.



Sa naturang vlog, makikita na tinuturuan ni Manny kumain ng saging na may ginamos ang kaniyang mga anak.

Noong una, makikita na nagaalangan pa ang kanilang mga anak na sina Jimuel, Michael, Princess at Queenie dahil ito nga ang kauna-unahang pagkakataon na sila ay kakain nito. Ngunit, makalipas lamang din ang ilang minuto ay napapayag na rin sila nina Manny at Jinkee.



Makikita sa vlog na walang kaarte-arteng kinain ng magkakapatid ang naturang pagkain na ibinigay sa kanila ng ama kahit pa man sila ay nagdadalawang isip na kainin ito.


Samantala, ibinahagi rin naman ni Manny sa kaniyang mga anak na ang nasabing pagkain ang madalas nilang kainin noong walang wala pa sila.

Nakakatuwa lamang isipin na kahit pa man nakakaangat na sa buhay ngayon sila Manny, sila ay nanatili pa ring mapagkumbaba sa buhay kaya naman talagang lahat ng mga bagay na mayroon sila ngayon ay nararapat lamang sa kanila dahil sa kabutihan at busilak na puso ang mayroon ang pamilya Pacquiao.


Sa kabila ng pagiging may kaya sa buhay, hindi pa rin nakakalimutan ni Manny na tanawin ang kaniyang pinagmulan at kinagisnan noon at ibahagi ito sa kaniyang mga anak.

Marami naman sa mga netizens ang humanga sa pamilya Pacquiao dahil sa kabila ng pagiging angat sa buhay, sila pa rin ay mapagkumbaba at hindi kailanman pinagyayabang lahat ng mga bagay na kanilang natatanggap bagkus ito pa ay kanilang ibinabahagi para sa mga nangangailangan.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,228,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,358,Tips,60,Trending,377,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Reaksyon Ng Mga Anak Ng Mag-Asawang Pacquaio Nang Makatikim Ng Bagoong Sa Unang Pagkakataon
Reaksyon Ng Mga Anak Ng Mag-Asawang Pacquaio Nang Makatikim Ng Bagoong Sa Unang Pagkakataon
Ibinahagi rin naman ni Manny sa kaniyang mga anak na ang nasabing pagkain ang madalas nilang kainin noong walang wala pa sila.
https://1.bp.blogspot.com/-qo8-uYZm0TA/Xolpm4tq64I/AAAAAAACJRA/VBazEY3zafAveFf4bkn_gf6ddXU4OtIwQCLcBGAsYHQ/s640/ginamos%2Bjinkee.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-qo8-uYZm0TA/Xolpm4tq64I/AAAAAAACJRA/VBazEY3zafAveFf4bkn_gf6ddXU4OtIwQCLcBGAsYHQ/s72-c/ginamos%2Bjinkee.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/04/reaksyon-ng-mga-anak-ng-mag-asawang.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/04/reaksyon-ng-mga-anak-ng-mag-asawang.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy