Kakaiba naman ang naisip na paraan ng netizen na ito kung saan ginawan niya pa ng video clip ang bawat relief na kaniyang natanggap.
Matapos ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) sa buong bansa para maiwasan ang patuloy na paglaganap ng C0VID-19, karamihan sa ating mga kababayan ay tanging umaasa na lamang muna ngayon sa mga relief goods na kanilang natatanggap mula sa kani-kanilang local na gobyerno dahil hindi rin sila makapaghanap buhay ngayon na siya naman nilang pinagkukunan ng panggastos sa araw-araw.
Marami na sa ating mga netizens ang kaniya-kaniyang namang paraan sa pagbibida sa kanilang socmed account ng mga relief goods na kanilang natatanggap sa kanilang lugar.
Ngunit, kakaiba naman ang naisip na paraan ng netizen na ito kung saan ginawan niya pa ng video clip ang bawat relief na kaniyang natanggap.
Sa video clip na ibinahagi ng netizen na si Arex Pilapil, makikita na ginawa niya talaga ng commercial ang relief goods na kanilang natanggap sa Brgy. Bula, maging ang mga transition at page-edit niya mula sa kinunang videos ay talagang nakakamangha at nakakatuwa.
Samantala, sa caption naman ni Arex sa kaniyang post, sinabi niya na tinawagan siya ng brand ng sardinas na Family's Brand Sardines dahil natuwa daw ang mga ito sa video clips na ginawa niya.
Ang commerical shoot naman na ginawa na ito ni Arex ay nagbigay ng goodvibes sa ating mga netizens. Marami sa kanila ang naaliw at namangha sa paraan ni Arex sa pagpapasalamat sa mga relief goods na ibinahagi sa kanila ng kanilang barangay officials.
Narito ang ilan sa komento ng mga netizens:
"Dapat yung LIGO ang nasa hrap tapos sabay swipe sa ligo tpos FAMILY SARDINES kagad yung makikita hehehehe"
"Wow amazing talented tlga ang pinoy kht nsa mhrap N panahon creative pa dn bravo inulit ulit q tlga panuodin... Well done"
Samantala, umabot naman na sa mahigit na 7,900 reactions, 1,000 comments, at 5,700 shares.
COMMENTS