Mylene Dizon, Proud Na Ipinakita Ang Simpleng Buhay Sa Probinsya

Ibinahagi pa ng actress noon na tuwing siya ay napapasyal sa kanilang bakuran, siya mismo ang pumapatay sa mga insekto o peste na kumakain sa kaniyang pananim.


Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na ilan sa ating mga paboritong personalidad ay mayroon sariling bakuran o di kaya ay bumibili ng kanilang sariling lupa na maaari nilang taniman ng iba't ibang pananim katulad na lamang ng prutas at gulay.

Iba rin naman talaga sa pakiramdam ang mayroong sariling bakuran na puno ng pananim dahil bukod sa masarap tumambay dito dahil sa simoy ng hangin na hatid nito, maari ka rin makatipid sa pagbili ng gulay sa palenge at nasisiguro mo pa na ang prutas at gulay na iyong kinakain ay sariwa dahil ikaw mismo ang nag-aalaga nito at kukuhanin mo lamang din ito sa iyong bakuran kapag nais mong kumain ng gulay o prutas.

Isa sa mga personalidad na ito ay ang actress na si Mylene Dizon na tila lahat na ata ng mga gulay na nabanggit sa kantang 'Bahay Kubo' ay mayroon siyang tanim sa kaniyang bakuran.


Ibinahagi pa ng actress noon na tuwing siya ay napapasyal sa kanilang bakuran, siya mismo ang pumapatay sa mga insekto o peste na kumakain sa kaniyang pananim.

Ani ng actress,

"Actually may slight awa, cute sila ung maliliit na green caterpillar na kinakain ang pechay ko."


Sinabi din ng actress na hanggang ngayon ay mayroon pa ring lungkot siyang nararamdaman matapos matabunan ng abo, na galing sa Bulkang Taal na nag-alboroto noong Enero 12, ang mga carrots na kaniyang tinanim.

"Nung binubungkal ko yung mga carrots na ganyan kaliit, ang feeling ko, nag-aabort ako ng baby. Kawawa naman siya...kailangan ko ng kunin. Sad because parang dalawang beses, tatlong beses ka lang makapag-ani."



Ang bakuran naman na ito ng actress ay matatagpuan sa kaniyang tahanan sa Silang, Cavite. Sa kaniyang IG account, hinikayat naman ng actress ang publiko na magtanim rin ng sarili nilang gulay sa kani-kanilang bakuran dahil ito ay magsisilbi rin bilang food security nila kung sakali man na mayroong dumating na krisis o sakuna.

"Sana kung maaari, kung mayroon tayong maliit na lupa lang na pwede nating pag taniman ng gulay, dapat nagtatanim tayo ng ating sariling gulay dahil iyan ay food security. Kahit anong mangyari, mayroon kang madudukot na pagkain."


Sinabi din ng actress na noon pa man ay mahilig na talaga siyang magtanim ng gulay. Kahit pa nga daw noon na naninirahan pa siya sa isang condominium, nagtatanim na daw siya ng mga gulay sa balcony ng kaniyang condo.

Dahil na rin dito, may pagkakataon din daw na pinaplano ng actress na gawing negosyo ang mga gulay na kaniyang tinatanim at siya ay magiging supplier ng mga ito sa bansa.


Saad ni Mylene,

"I'd like to be able to supply vegetables to far away places. As a business. Kasi sa Palawan, walang gulay. Yung mga El Nido na iyan, they don't have. They get it from Cebu, Manila.

"If I can do that, why not. Inaaral ko siyang mabuti because I'm hoping that I can inspires others. more than anything...that anybody can grow anything."

Dagdag ng actress nang siya ay tanungin kung ano ang mga bagay na kaniyang nakukuha mula sa pagtatanim ng mga gulay, aniya,


"Knowing that, I'm able to produce something out of dirt. That I can make a food for the family or the challenge of it because it's not easy."

Ipinahayag rin ng actress ang kaniyang paghanga at respeto sa mga magsasaka, lalo na sa mga organic farmers dahil alam niya rin ang hirap na pinagdadaanan ng mga ito sa pagtatanim.

Ayon sa actress, hindi niya ginagamitan ng kahit anong pesticides ang mga gulay na kaniyang pananim. Tanging ginagawa lamang daw niya ay tirisin at pigain isa-isa ang mga peste na dumadapo sa kaniyang mga halaman.

Madalas naman ibahagi ni Myleen sa kaniyang mga katrabaho ang mga gulay na kaniyang inaani sa kanilang bakuran.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,230,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,362,Tips,60,Trending,382,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Mylene Dizon, Proud Na Ipinakita Ang Simpleng Buhay Sa Probinsya
Mylene Dizon, Proud Na Ipinakita Ang Simpleng Buhay Sa Probinsya
Ibinahagi pa ng actress noon na tuwing siya ay napapasyal sa kanilang bakuran, siya mismo ang pumapatay sa mga insekto o peste na kumakain sa kaniyang pananim.
https://1.bp.blogspot.com/-vpUovKQ5FpA/XoTXu5AWwyI/AAAAAAACIr8/zvEEuP-fUowklwqCXsOF6ffZMECA_Cw8wCLcBGAsYHQ/s640/mylene%2Bdizon%2Bfarm.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-vpUovKQ5FpA/XoTXu5AWwyI/AAAAAAACIr8/zvEEuP-fUowklwqCXsOF6ffZMECA_Cw8wCLcBGAsYHQ/s72-c/mylene%2Bdizon%2Bfarm.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/04/mylene-dizon-proud-na-ipinakita-ang.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/04/mylene-dizon-proud-na-ipinakita-ang.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy