Sila ay nanggaling sa baba bago nila makamtan ang kanilang pinaghirapan ngayon.
Halos lahat sa atin ay gusto maging successful sa buhay. Ngunit di gaya ng mga fantasy movies ay madali itong mangyari. Ito ay pinagtratrabahuan ng mabuti bago paman makamit ang mga pangarap na gusto nating ma angkin balang araw.
Sabi nga nila, "Libre lang mangarap". Wala itong ano man pera ang pinalalabas kaya hanggat sa kaya mo ay mangarap ka at gawin itong inspirasyon na ang lahat ng bagay ay possible kung patuloy kang mag pupursige.
Gaya lamang na mga sikat na personalidad ngayon, sila ay nanggaling sa baba bago nila makamtan ang kanilang pinaghirapan ngayon.
* Nora Aunor
“The Grand Dame of Philippine Cinema”, dati ay nagtitinda lang malapit sa train station ng tubig at mani.
* Richard Gomez
Bago naging isang politician at sikat na aktor. Si Richard noon ay naging isang service crew din sa restaurant.
* Diether Ocampo
Siya ay dating bartender malapit sa ABS-CBN. Ngunit ngayon, isa na siya sa mga gwapo at matipuno na aktor sa showbiz.
* Jericho Rosales
Isang talented na aktor ngayon. Dati siya ay isang service crew sa pizza restaurant, at naging personal driver rin.
* Marc Pingris
Sikat na basketbolista ngayon, dati si Marc ay nagtitinda lang isda at pati na rin ng ice buko.
* Fernando Poe Jr.
Dati ay naging stuntman lang hanggan sa naging leading man at tinawag na “King of Philippine Cinema.”
* Willie Revillame
Bago paman naging isang millionaire, si Willie noon ay naging jeepney barker at news paper boy.
* Coco Martin
Naging janitor noong sa Canada, ngunit ngayon isa nang sikat na aktor sa Kapamilya Network.
* Manny Pacquiao
Isa sa mga pinaka hinangaan ng lahat ang "Boxing King" ngayon na si Manny.
Noon sya ay naging construction worker lang at nagtitinda lang ng sampaguita. Ngunit ngayon, isa na sa pinakamayaman na personalidad sa mundo.
Ilan lang ito sa mga naging inspirasyon ng karamihan na hindi lahat ng tagumpay ay madaling makuha, ito ay pinag hihirapan at pagtitiwala sa Diyos.
COMMENTS