Ilan naman sa mga senador ang nagbahagi ng kani kanilang saloobin tungkol sa paratang ng NBI kay City Mayor, Vico.
Kagabi lang ay pinaratangan ng NBI ang City Mayor ng Pasig na si Vico Sotto tungkol sa paglabag ng batas na Bayanihan Act.
Ngunit ayun kay Vico, wala silang nilabag na batas dahil hindi nila ginawa ang nasabing pagpaparatang simula noong ipalabas ang batas tungkol sa Enhance Community Quarantine.
Marami ang nagtaka at nagbigay ng kanilang saloobin tungkol dito isa na sa mga ito ang mga Senador na sina: Tito Sotto, Risa Hontiveros, Kiko Pangilinan and Joel Villanueva.
Ayun kay Sen. Tito Sotto kung saan mismong tiyuhin ni Vico, sabi niya na nagkamali ng paratang ang NBI dahil ang nasabing batas na Bayanihan Act ay hindi pa napahayag sa mismong araw na ginawa ni Vico ang pinaratang sa kanya.
"What are they talking about? Laws are never retroactive if detrimental to any accused."
"NBI will be well advised to be cautious in their interpretation of the law I principally authored. Any so called violation of RA 11469 can't be retroactive!"
Pahayag ni Kiko Pangilinan, na hindi nilabag ni Vico ang batas, dahil hindi pa ito batas.
"Paano nilabag ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang batas na hindi pa batas?" giit pa ng Senador.
Ilan naman sa mga senador ang nagbahagi ng kani kanilang saloobin tungkol sa paratang ng NBI kay City Mayor, Vico.
Ayun pa kay Senator Risa Hontiveros sa kanyang twitter post,
"Andaming kailangang bigyan ng solusyon: nagkakasakit na health workers, mga nagugutom. Why hostile attention to well-performing leaders like Vico?... May na-insecure ba"
Maging si Sen. Joel Villanueva ay nagbigay ng kanyang saloobin, "We have an urgent task at hand, and distractions such as this doesn’t help."
Napaka obvious na walang ginawa ang Mayor sa kanyang syudad. Pero marami ang yata ang naiinggit sa kabutihang kanyang ginagawa.
Ang ating bansa ay kailangan ng kagaya nyang mahal ang trabaho at mismong responsibilidad sa kanyang mga tao. Inuuna ang ikinabubuti ng kanyang sinasakupan kaysa sa sarili.
COMMENTS