ng mga Bumbay na ito ay nagbahay-bahay din sa kanilang mga kustomer at iba pang mga tao.
Karaniwan na ang mga negosyanteng Indiano dito sa atin sa Pilipinas. Madalas silang tinatawag dito na "Bumbay" na nagpapahiram ng pera sa patakarang "5-6".
Dahil mabilis silang magpahiram sa mga Pinoy at hulugan, patok na patok ang kanilang negosyo sa mga kababayan nating Pilipino.
Arawan kung maningil ang mga Bumbay at madalas natin silang makita sa mga bahay bahay, maliliit na tindahan at palengke.
Pero dahil sa ibinabang Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon area, napilitang magsara ang maliliit na mga negosyante at nawalan ng arawang kita. Gayundin, dahil sa travel ban, hindi rin naman makapaningil nag mga Bumbay sakay ng kanilang motor.
Syempre, ang lahat ng Pilipino, pati na ang mga Bumbay ay naapektuhan ng ipinapatupad na community lockdown.
Pahirapan din ang pagkakaroon ng supply ng pahkain at pera lalo na sa mahihirap na kalagayan. Dahil diyan, isang grupo ng mga "Makataong" Bumbay sa Bulacan ang kumilos.
Ang mga Bumbay na ito ay nagbahay-bahay din sa kanilang mga kustomer at iba pang mga tao. Sa halip na maningil, namahagi sila ng mga relief goods na makakasapat naman sa ilang araw ng pangangailangan ng mga tao.
Sumikat naman sa FB ang ginawa na ito ng mga Bumbay. Ibinahagi ng Master Epong FB page ang 25 larawan ng mga Bumbay habang namamahagi ng relief goods. Sumikat din naman ang memes sa FB na nagsasaad,
“Di kami singil, tulong muna kami. Mahal namin Pinoy!”
Ayon sa post ng Master Epong,
“Pasikatin natin itong grupo ng mga bumbay na ‘to. Sa halip na maningil ng mga pautang ay namigay muna sila ng mga relief goods sa mga costumer at ibang kababayan natin na kinakapos dahil sa lockdown. Pinairal muna nila ang pagiging makatao bago negosyo dahil sa krisis na pinagdadaanan natin sa C0VID-19."
Marami naman ang natuwa at naantig sa kabutihang ipinamalas ng naturang grupomg ito ng mga Bumbay. Bagaman nagpunta sila dito sa Pilipinas para mag-negosyo, makatao naman silang tumutulong sa panahon ng krisis kaya naman nakatanggap sila ng respeto mula sa mga Pilipino.
COMMENTS