Si Willie Revillame ay kilala sa pagiging isa sa mga magagaling na host at pinakamayamang personalidad sa Pilipinas.
Ang 'Wowowin' host ay nagsimula sa kaniyang hosting career noong 1980 bilang isa sa mga hosts ng variety program na pinamagatang 'Lunch Date' sa GMA Network.
Siya ay gumanap din sa iba't ibang comedy movies noon kung saan nakasama niya ang ilan sa mga sikat at beteranong personaliad sa mundo ng showbiz.
Noong 2005, mas naging sikat si Willie dahil siya ay nabigyan ng pagkakataon na maging host ng ABS-CBN noontime show na 'Wowowee'.
Ang 'Wowowee' ay naging sikat sa marami, partikular na para sa mga taong nais makilala at makita si Willie ng personal dahil sa pagiging mabait at mapagbigay nito ng cash prizes sa kaniyang show. Siya din ay naging isa sa mga pinakamapagbigay na hosts sa buong Pilipinas.
Ngunit, natapos ang 'Wowowee' noong 2010 dahil nagpasiya na ang comedian-host na tapusin ang ang kaniyang kontrat sa ABS-CBN dahil sa ilang issue na kaniyang kinaharap sa management.
Sa ngayon naman ay isang host si Willie sa isang variety show sa Kapuso Network na 'Wowowin'.
Ginulat naman ng anak ni Willie na si Meryll Soriano ang maraming netizens matapos nitong ibunyag kung gaano nga ba kayaman ang kaniyang ama. Si Meryll ay anak ni Willie Revillame sa dating kasintahan nito na si Bec-Bec Soriano.
Sa naging press conference naman ng darating na pelikula ni Meryll na pinamagatang 'Culion', siya ay tinanong ng mga reporters tungkol sa kaniyang ama na si Willie Revillame.
Ibinahagi naman nito na isa sa mga bagay na binili sa kaniya ng 'Wowowin' host ay isang eroplano na talagang nagpagulat sa kaniya dahil hindi niya aakalain na reregaluhan siya ng ama ng ganoong bagay.
Sinabi din ni Meryll na maliban dito, mayroon ding sariling yate, choppers, Ferrari, at iba pang mga luxury cars ang kaniyang ama.
Ayon naman sa ilang mga ulat, ilan sa mga mamamahaling sasakyan ni Willie Revillame ay ang Rolls Royce, Ferrari 458, Lamborghini Gallardo, Porsche Carrera Turbo, Lincoln Navigator, Jaguar XJ, at isang Hummer H2.
COMMENTS