Aniya, kailangan niyang mag-focus sa mga problemang kinakaharap ng kaniyang pinamumunuang lunsod.
Bilang paunang tanong, agad na inalam ng host ng show na si Mareng Winnie ang 30-anyos na young politician na si Victor Ma. Regis Sotto o Vico Sotto kung ilan na ang naging girlfriends nito bago pa siya tumakbo sa politika.
Natawang sumagot si Mayor Vico at sinabi na hindi siya nagkaroon ng girlfriend kailanman dahil naging abala siya at mas lalong abala lalo na sa panahon ngayon bilang bagong Mayor ng Pasig City.
Aniya, kailangan niyang mag-focus sa mga problemang kinakaharap ng kaniyang pinamumunuang lunsod.
Tinanong naman ni Mareng Winnie si Mayor Vico kung nakaapekto ba sa kaniyang desisyon na manatiling single ang naging failed relationship ng kaniyang magulang na sina Coney Reyes at Vic Sotto.
Agad namang nilinaw ng batang politikio na hindi naman iyon gaanong nakaapekto sa kaniya. Aniya, hindi niya 'naplano' ang pagkakaroon ng romantic relationship at sa ngayon, ito ang 'last thing' na maiisip niya.
Tinanong din naman siya ni Mareng Winnie kung wala bang lumalapit sa kaniya na mga babae lalo na ngayong Mayor na siya.
Sumagot naman si Mayor Vico na mayroon namang lumalapit, pero mga senior citizen. Karamihan din sa mga nakikilala niyang babae ay mga senior citizen kaya sabi niya, wala talagang lovelife doon.
Sinabi din ni Mayor Vico na may plano naman daw siyang mag-asawa bago sumapit ang edad na 40 kung ipahihintulot. Tinatanggap din naman ng 'Aplikante' ang batang Mayor para sa kaniyang 'bakanteng' puso.
Ibinigay din naman ni Mayor Vico ang ang requirements na hinahanap niya sa isang babae. Aniya, gusto niya na 'magka-same wavelength' sila. Gusto niya ng matalino, medyo maitsura din at kaparehas niya ng interes pagdating sa governance.
Talagang nasa puso ni Mayor Vico Sotto ang maglingkod sa mga tao anupat pati sa pag-aasawa, gusto niyang makasama ang isang babae na kasama niyang maglilingkod sa taong bayan.
COMMENTS