Pagsapit ng umaga ay mismong si Ou, ang nag aasikaso sa kanyang paralisadong ama.
Kaya talagang napaka swerte ng mga bata na mayroong mapagmahal at mabuting magulang. Ngunit, pinaka maswerte ang mga magulang na mayroong matulungin, at masipag na mga anak.
Gaya na lamang sa isang lugar sa Southwest China, kung saan nakatira si Ou Yanglin pitong taong gulang at kanyang ama.
Pagsapit ng umaga ay mismong si Ou, ang nag aasikaso sa kanyang paralisadong ama. Maaga palang ay pumupunta na siya sa palengke upang mamili at may mailuto sa ama. Mahigit isang taon na rin itong ginagawa ng bata sa kanyang ama.
Ito madalas ang kanyang mga trabaho bago paman pumasok sa paaralan.
Si Ou Tongming, 37-taong gulang, ama ni Yanglin, ay naging paralisado taong 2013 matapos ito maaksidente sa ikalawang palapag ng bahay na kanilang ginagawa.
Si Tongming ay nagtratabaho noong bilang isang construction worker at tumigil ito, noong sya ay naging paralisado dahil sa natamong sugat sa kanyang likuran hanggang beywang.
Ang mag ama ay iniwan ng kanilang ilaw nag tahanan kasama ang anak nitong babae matapos maubos ang kanilang perang na ipon.
Simula noon, tanging si Yanglin na lamang ang nag aalaga sa kanyang ama dahil hindi na ito makagalaw at hindi na rin itong kaya mag trabaho.
Galing sa eskwela ay agad naghahanap ng mga bagay sa bangketa si Yangling upang ito ay mabenta sa murang halaga.
"My father needs medicines, but I don't have any money" sabi pa ng bata.
Bilang isang ama mahirap makita ang anak na naghihirap na dapat ito mismo ang gumagawa ng obligasyon para maitaguyod ang kanilang buhay. Kaya naman, labis na malungkot si Tongming na makita ang kanyang anak na naghihirap sa munti nitong edad.
Kaya naman, gusto ng makatapos ni Yanglin sa pag aaral para mabili ng gamot at matulungan pa niya ng maigi ang kanyang pinakamamahal na ama.
Nais pa sanang tapusin nalamang ni Tongming ang kanyang buhay, ngunit na isip niya ang kanyang anak na wala ng kasama kung ito pa ay gagawin niya.
"I can't live without my father" sabi pa ni Yanglin.
Marami naman ang naawa sa kasaysayan ng mag ama kaya naman marami ang naghatid ng tulong sa kanila sa pamamagitan ng charity fund.
COMMENTS