Si Lolo Jojo ay isang matandang vendor na naglalako ng kanyang paninda sa daan.
Isa nanamang kabayanihan at kabutihang kalooban ang ipinakita ng isa sa ating kababayan na si Tatay Jojo Tiamzon.
Si Lolo Jojo ay isang matandang vendor na naglalako ng kanyang paninda sa daan. Nagtitinda siya ng iba't-ibang uri ng karaniwang minemeryenda natin tulad ng donut, ice cream at iba pa.
Sa kabila ng kanyang katandaan ay pinipilit niyang makaagapay o makasurvive sa ating lipunan lalo na ngayon sa panahon ng Enhanced Community Quarantine na kung saan ay isa si Tatay Jojo sa labis na naaapektuhan sa nararanasan nating pandemya sa ngayon.
Ngayong panahon ng pandemya ay madami sa atin ang nakakagawa o napipilitang gumawa ng karahasan tulad ng pagnanakaw at iba pang krimen upang matustusan nila ang mga pangunahing pangangailangan ng kanilang pamilya tulad ng araw-araw nilang pagkain. Ngunit, ibahin ninyo ito si Tatay Jojo.
Habang nagtitinda si Tatay Jojo ay nakapulot siya ng isang pitaka na may lamang pera at mga ID. Sa kabila ng kanyang katandaan at kakapusan sa buhay ay hindi niya nagawang kuhanin at gastusin ang pera na nasa loob ng pitaka bagkus siya ay agad agad na pumunta sa barangay at iyon ay inireport nya.
Kinontak ng barangay ang contact number na nakalagay sa ID sa loob ng pitaka at dahil sa mabilis na pagtugon ni Tatay Jojo sa barangay ay natunton nila ang may-ari ng pitaka na si Jose Pacho.
Tuwang tuwa naman si Jose dahil nakabalik sa kanya ang pitaka nya na may lamang Php 10,000 at lubos siyang nagpasalamat kay Tatay Jojo dahil hindi niya pinag-interesan ang pera nasa loob.
Matapos itong mapost sa socmed ay nagkaroon na ito ng madaming positibong reaksyon at komento. Madami pala ang nakakakilala kay Lolo Jojo at hinimok nila na tulungan si Tatay Jojo sa pamamagitan ng pagbili sa kanyang paninda.
Narito ang isang komento ng netizen tungkol kay Tatay Jojo,
"GRABENG SIPAG 'YAN SI TATAY. ICE CREAM, DONUT ATBP, KAHIT ANO TINITINDA NIYAN NI TATAY. SANA PAG NAKITA NYO SYA KAHIT BUMILI NA LANG KAYO. PARANG TULONG NA RIN KAYSA MAGBIGAY KAYO SA PURO NANGHIHINGI. SALUTE KAY TATAY NA MATAPAT NA MASIPAG PA" sabi ni Bea Santos (Netizen).
COMMENTS