Sa kabila ng mga sakripisyo ni Martin ay hindi naman sinayang ng kanyang nobya ang binigay nitong supporta sakanya kaya sa kanyang pag-aaral ay kanya itong hinusayan at nakapag tapos bilang Cum Laude.
Ang tunay na pagibig ay hindi makasarili at handang gawin ang lahat para sa kanyang minamahal, yan ang pinatunayan ng istorya ni RM De Martin. Kung saan ay kanyang ginawa ang lahat para makapag tapos sa pag-aaral ang kanyang nobya at minamahal na si Blessy Parreno.
Pinasok ni Martin ang lahat ng trabaho kung saan siya ay nagging construction worker, cook, at nagging OIC din ng Mang Inasal para lamang masuportahan ang kanyang nobya upang makapag tapos ito ng pag-aaral sa kolehiyo.
Bagama’t mahirap ang buhay at maliit lamang ang kanyang kinikita ay hindi ito sumuko at napagtagumpayan niya ito.
Sa kabila ng mga sakripisyo ni Martin ay hindi naman sinayang ng kanyang nobya ang binigay nitong supporta sakanya kaya sa kanyang pag-aaral ay kanya itong hinusayan at nakapag tapos bilang Cum Laude sa Capiz State University.
Ang kahangahangang istorya ay ibinahagi ni Blessy sa socmed kung saan maraming netizen ang humaga sa kanilang kwento ng pagibig at pinagdaanan sa buhay. Ang kanilang istorya ay naging usap-usapan kung saan ito ay umabot na sa lagpas isang libo ang nagbahagi online.
Sa nasabing post ay ibinahagi din ni Blessy na noong una ay marami sa mga tao ay nanlalait at minamaliit lamang ang estado ng buhay ng kanyang kasintahan na si Martin. Pero sa kabila nito ay hindi pinanghinaan ang kanyang kapareha at sa halip ito ang naging motivation nito para makaya ang lahat ng pagsubok at magtagumpay.
Tunay ngang kahanga-hanga ang istorya na kanilang ibinahagi. Ang istoryang ito ay patunay din na kapag mahal mo ang isang tao ay handa mo itong suportahan sa gusto nito at higit sa lahat ay gagawin mo ang lahat para sakanya.
Sa panahon ngayon bibihira na ang katulad ni Martin at ni Blessy, kaya sa mga naghahanap ng tunay na pagibig lagging tandaan na kinakailangan na dalawa kayo lagi na magtulungan upang mapagtagumpayan ang mga hamon sa buhay.
COMMENTS