Maling Paraan Sa Pagre-Repack Ng Bigas Sa Ilang Barangay, Inulan Ng Batikos

Makikita kasi sa mga larawan ang hindi maayos na pagre-repack ng mga relief goods na ipapamahagi sa kanilang mga nasasakupan.


Matapos ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon at iba pang parte ng bansa para maiwasan ang paglaganap ng coronavirus disease (C0VID-19), naging isa naman sa mga suliranin na kinakaharap ng ilan sa ating mga kababayan ngayon ay ang kanilang pagkain para sa pang-araw-araw, lalo pa at hindi sila makapaghanap buhay ngayon bunsod ng ECQ.

Kaya naman ang ilan sa ating mga local na gobyerno ay ginagawa rin ang kanilang makakaya para makapagbigay ng mga relief goods para sa mga pamilya na lubos na apektado ng ECQ.

Samantala, naging usap-usapan naman sa socmed ang larawan na ibinahagi ng netizen na si Joseph Carmona dahil makikita kasi sa mga larawan ang hindi maayos na pagre-repack ng mga relief goods na ipapamahagi sa kanilang mga nasasakupan.


Makikita kasi sa ilang larawan na ang mga taong naatasan mag-repack ng mga bigas ay tinatapakan mismo ang mga bigas na kanilang isinasalin sa plastic para sa mga relief goods na kanilang ipapamahagi sa barangay.

Makikita rin na mayroon isang nagre-repack na nakasapatos pa habang tumatapak tapak ito sa mga bigas.

Ngunit, hindi lamang sa barangay nila Joseph nangyari ang ganitong pangyayari.

Sa isang larawan na ibinahagi ni Lyn Emmanuelle, makikita rin doon na ang mga nagre-repack ay tinatapak tapakan rin ang mga bigas na kanilang ire-repack para sa mga relief goods.


Ani Lyn sa kaniyang post,

"paging #DOH #DILG. dumarami po ang DUGYOT kung kelan may C0VID19 pwede namang hindi na alisin sa sako ung bigas para safe, bakit kelangan pang ibuhos sa sahig at tapak-tapakan ng mga dugyot. ung iba nakasapatos pa! sana po mabigyan sila ng leksyon. kung ano/saang barangay yan at kung sino ang mayor ng mga yan!"

Marami naman sa ating mga netizens ang bumatikos sa mga larawan. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"pwede naman po kaseng mag repack kahit nasa sako pa yung bigas, di yung ganyan binaboy niyo na eh."

"Yung laki ng pagod at hirap ng mga magsasaka bago yan naging bigas upang makain. Alam nyo ba na bawat butil pinahalagahan ng magsasaka tapos ngayun tatapakan nyo lng"

"Kung inapakan man ung mga bigas dapat hindi nakasapatos paano pg may dumi o alikabok ung sapatos nalipat na sa bigas at pwde nmn irepack ung bigas na nsa sako."

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,225,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,356,Tips,60,Trending,376,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Maling Paraan Sa Pagre-Repack Ng Bigas Sa Ilang Barangay, Inulan Ng Batikos
Maling Paraan Sa Pagre-Repack Ng Bigas Sa Ilang Barangay, Inulan Ng Batikos
Makikita kasi sa mga larawan ang hindi maayos na pagre-repack ng mga relief goods na ipapamahagi sa kanilang mga nasasakupan.
https://1.bp.blogspot.com/-mkak2tCyCoc/XobGkqFIY5I/AAAAAAACI64/Om-QFb2otwAoS4dnDl4THR056i-i_jWlQCLcBGAsYHQ/s640/bigas%2Brelief.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-mkak2tCyCoc/XobGkqFIY5I/AAAAAAACI64/Om-QFb2otwAoS4dnDl4THR056i-i_jWlQCLcBGAsYHQ/s72-c/bigas%2Brelief.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/04/maling-paraan-sa-pagre-repack-ng-bigas.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/04/maling-paraan-sa-pagre-repack-ng-bigas.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy