Nito lamang nakaraan ay nagpost si Alfred sa kanyang Instagram na may caption na
Kilala ang pangalan na Alfred Vargas bilang isa sa mga matitipuno at magaling na artista sa mundo ng showbiz. Madami na siyang pinagbidahan na pelikula at teleserye sa telebisyon.
Bukod sa showbiz ay isa din siyang pulitiko na handang tumulong at maglingkod sa kanyang mga nasasakupan.
Ngunit, sino ba itong maladiyosang ganda na asawa ni Alfred Vargas?
Siya si Ms. Yasmine na asawa ni Alfred. Hindi naman maitatago na talaga namang maganda ang nakapangasawa ni Alfred.
Madalas daw ay napagkakamalan siyang si Marian Rivera at Coleen Garcia na kilalang kilala din sa biniyayaan ng kagandahan. Maging noong nangangampanya pa lamang si Alfred ay napapatingin talaga ang mga tao sa kanyang asawa.
Nito lamang nakaraan ay nagpost si Alfred sa kanyang IG na may caption na:
"Its true love. Its possible. Love at first sight and true love can happen at the same time. Even after eleven years, crush na crush pa rin kita, Amore ko, love you, Yasmine Vargas.
Talaga namang hanggang sa ngayon ay hindi pa din nagbabago ang pagtingin ni Alfred Vargas sa kanyang asawa. Magmula daw nang sila ay unang magkita ay patuloy pa din daw siyang naiinlove sa kanyang asawa hanggang ngayon.
Maging ang mga netizens ay hindi din napigilan ang kilig factor sa mag-asawa nito at pagkasweet ni Alfred kay Yasmine.
Narito ang ilan sa mga comments ng mga netizens hinggil sa post ni Alfred.
"Grabi and ganda nya tlga para cyang si marian.na. may pagka coleen garcia..din..swerte tlga ni alfred.subrang ganda nang asawa nya."
"Kaya hindi nakapagtataka kung bakit ang GANDAAAA din nung two girls eh at ang pogi din ni bunso kac ang ganda na nga ni mommy ang pogi pa ni daddy hayyy."
"Napakaswerte nyo po sa asawa nyo sir sobrang ganda po nya parang anghel..."
Hindi na talaga matago ang kilig much ng mga netizens at fans ng dalawa dahil kitang kita naman sa mga positive comments na binabato sa kanila. Kaya naman two thumbs up para sa inyong mag-asawa.
Sa ngayon ay mayroon silang tatlong anak, dalawang babae at isang lalaking bunso. Namana sa kanilang mag-asawa ang cuteness ng tatlong anak nila.
COMMENTS