Magkano Ang Makukuha Sa PhilHealth Kapag Nagpa-Test O Na-Ospital Dahil Sa C0VID-l9

Lahat ng mga Pilipino, kahit pa man ang mga hindi pa nakakapag-register sa PhilHealth, ay maaaring makuha ang benepisyong handog na ito.


Lahat naman tayo ay ayaw at takot na magkaroon ng C0VID-I9, dahil hindi lamang sa mga matitinding sakit na ating mararamdaman sa ating katawan, kung hindi dahil na din sa pera na ating magagastos kapag tayo ay nagkaroon ng naturang v1rus.

Noong Abril 3, 2020 lamang, inanunsyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na sila na ang siyang sasagot sa lahat ng magagastos ng mga pasyenteng mayroong C0VID-I9 ngunit ito ay hanggang Abril 14, 2020 lamang.

Magmula kahapon, Abril 15, 2020, ang naturang government agency ay sasagitin na lamang ang kalahati ng magagastos para sa pagpapagamot ng mga C0VID-I9 patients.

Isa naman sa mga dahilan ng PhilHealth sa pagsagot nila ng buo sa mga magagastos ng C0VID-I9 patients ay upang bigyan ng oras ang ating mga medical frontliners na mas malaman pa ang tungkol sa naturang vrius at magbigay din ng protocols para sa paggamot nito.


Dahil dito, nakagawa din ang PhilHealth ng maayos na case rate na magbibigay ng sapat at pagpapanatili sa anti-C0VID-I9 campaign na ginagawa ngayon sa bansa.

Lahat ng mga Pilipino, kahit pa man ang mga hindi pa nakakapag-register sa PhilHealth, ay maaaring makuha ang benepisyong handog na ito ng naturang ahensya hangga't nakumpleto nila ang pagpapa-rehistro sa isang pasyente bago pa man ito makalabas ng ospital.

Samantala, sasaluhin naman ng PhilHealth lahat ng magagastos ng ating mga medical frontliners na nagkaroon ng C0VID-I9 kahit pa man lagpas na sa Abril 14, 2020.


Para naman sa mga non-medical worker na nagkaroon ng C0VID-I9 at naka-confine sa ospital hanggang Abril 15 pataas ay makakakuha na lamang ng mga sumusunod na C0VID-I9 benefits package mula sa PhilHealth. Ang makukuha naman nilang ito ay nakabase sa tindi ng kanilang pneum0nia:

*Php43,997 para sa mga mayroong mild pneum0nia
*Php143,267 para sa mga mayroong moderate pneum0nia
*Php333,319 para sa mga mayroong severe pneum0nia
*Php786,384 para naman sa mga critica1 pneum0nia

Para naman sa mga critical pnuem0nia, maliban sa benepisyong makukuha nila, ay sasaluhin din ng PhilHealth ang mga dadagdag pang medical procedures na isasagawa sa kanila katulad ng mga sumusunod:

*Acute respiratory distress syndr0me (ARDS)
*Septic sh0ck
*Requiring invasive ventilation
*Requiring extracorporeal membrane oxygenation (ECMO)
*Requiring renal replacement therapy


Ayon naman sa PhilHealth Circular No. 2020-0009, kasama din sa benefits package na handog ng PhilHealth ay ang mga mandatory healthcare services tuad ng pag-oobserba sa sakit, akomodasyon sa ospital, pangangasiwa sa sakit, at ang isasagawang mga laboratory at diagnostic  tests sa mga pasyente kasama na dito ang mga gamot na binibigay ng Department of Health (DOH), mga gabay at mga protocols, mga kagamitan at mga supplies pa na kailangan ng mga healthcare frontliners katulad ng personal protective equipment (PPE).

Magbibigay din ng community isolation benefit package para sa mga magagastos ng mga tao na sumasailalim sa 14 na araw na isolation, kahit pa man sila ay nanatili sa pampubliko o pribadong ospital.

Base naman sa PhilHealth Circular No. 2020-0012, ang mga pasyente na mayroong C0VID-I9 na sumasailalim sa community isolation ay maaaring makatanggap ng Php22,449. Ito naman ay maaari ng magamit ng mga pasyente na sumasailalim sa community isolation simula pa noong Pebrero 1.


Ayon naman sa PhilHealth Advisory No. 2020-0010, ang naturang government agency ay sasagutin ang mga kailangan ng mga C0VID-I9 patients pati na din ang mga pasyente na kinakailangan sumailalim sa pag-uulit na mga tests. Tanging sasagutin lamang nila ay ang mga nagpapa-tests sa Research Institute for Tropical Medicine - Department of Healht (RITM - DOH) at iba pang mga testing laboratories na naaprubahan ng DOH.

Para naman sa mga C0VID-I9 tests na isinagawa noong Pebrero 1, kasama naman sa testing benefits package na handog ng PhilHealth ay ang diagnostic workup, pagsusuri at pag-uulat ng resulta ng tests ng pasyente, test kit, screening o clinical assessment, pagsubok sa RT-PCR testing, at specime collection.

Sasagutin din ng PhilHealth ang mga sumusunod na maaaring magastos ng mga C0VID-I9 patients:

*Php8,150 para sa lahat ng mga kinakailangan sa testing laboratory
*Php5,450 para naman sa mga test kits
*Php2,170 para naman sa mga magagastos sa mga test kits

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Magkano Ang Makukuha Sa PhilHealth Kapag Nagpa-Test O Na-Ospital Dahil Sa C0VID-l9
Magkano Ang Makukuha Sa PhilHealth Kapag Nagpa-Test O Na-Ospital Dahil Sa C0VID-l9
Lahat ng mga Pilipino, kahit pa man ang mga hindi pa nakakapag-register sa PhilHealth, ay maaaring makuha ang benepisyong handog na ito.
https://1.bp.blogspot.com/-nDZYnLkORp4/XpiO7k0A3yI/AAAAAAACKrg/GZZzuwNeE2UZxy7Fj8LxGppJ3WtBVXt2gCLcBGAsYHQ/s640/philhealth%2B2020%2Bbenefits.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-nDZYnLkORp4/XpiO7k0A3yI/AAAAAAACKrg/GZZzuwNeE2UZxy7Fj8LxGppJ3WtBVXt2gCLcBGAsYHQ/s72-c/philhealth%2B2020%2Bbenefits.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/04/magkano-ang-makukuha-sa-philhealth.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/04/magkano-ang-makukuha-sa-philhealth.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy