Sinasabi na pinaglingkuran nila ang may-ari ng bahay bilang tagapaglinis ng bahay at tagapaglinis umano ng mga dumi ng kanilang alagang aso.
Ibinahagi ni Nicole Ronquillo sa kanyang socmed account ang sinapit ng marahil na kakilala nya dahil sa sila ay pinalayas sa isang inuupahang bahay sa kadahilanang hindi sila makapagbayad ng renta.
Narito ang post:
"Mga walang awa... Kawawa naman po sila pinalayas sa inuupahan nila..dahil hindi nakabayad.. Alam naman nila na lockdown walang trabaho ang karamihan. Samantala ang laki ng tulong nila sa may-ari nung nasa abroad pa sya ngayon na hindi na nila kailangan pinaalis na nila.. walang trabaho ang asawa niya ngayon dahil sa kumakalat na virus.. Naging caretaker siya. .. Kaya nung time na nasa abroad ang may-ari ng bahay tagalinis ng dumi ng alaga nilang aso.."
"Tapos ngayon ganyan ang gagawin sa kanila. Nasan ang konsensya mo EVELYN CAMARAO siya ang may-ari ng bahay 4 na bahay pinapaupahan niya sa Southville 8A ang dami samantalang hindi sya botante dito walang pakinabang dito sa San isidro Sana MO maaksyunan nio ito... #Mayor TOm Hernandez #president duterte."
Makikita ninyo sa larawan ang isang pamilya na ito na nag-alsabalutan dahil sa hindi sila nakapagbayad ng renta sa kanilang inuupahang bahay.
Sinasabi na pinaglingkuran nila ang may-ari ng bahay bilang tagapaglinis ng bahay at tagapaglinis umano ng mga dumi ng kanilang alagang aso. Ngunit, nang hindi na nila kailangan ang tagapaglinis ay pinagbabayad na sila ng renta ng bahay.
Sa panahon ngayon na tayo ay sumasailalim na Enhanced Community Quarantine para sa pagpuksa ng pandemic disease na COVID-19 ay marami sa ating mga kababayang Pilipino na kabilang sa poorest of the poor ay talagang nahihirapan sa panahon ngayon.
Ang mga daily wage earners na marami sa atin ay hindi na alam kung paano sila makakakain ng tatlong beses sa isang araw.
Kung ikaw ay isang may-ari ng isang pinapaupahang bahay ay hindi dapat na palayasin ang mga tulad nila na hindi makapagbayad ng renta dahil malaking konsiderasyon na dapat lockdown na ipinataw ng ating gobyerno sa buong Luzon.
COMMENTS