Ang tangi na lang niyang nagawa ay ang manalangin sa Diyos upang manatiling matatag.
Hindi maikakaila na talagang mas maraming Pilipino ang lalong naghirap ang pamumuhay dahil sa ipinapatupad ng gobyerno na enhanced community quarantine.
Nagbibigay naman ng tulong ang ating pamahalaan para mabigayan ng tulong pinansyal at pagkain ang marami sa ating mga kababayan at totoo naman na marami na rin ang nakinabang dito. Gayunpaman, mayroon pa ring ibang pamilya na hindi nakatanggap kahit minsan ng tulong mula sa gobyerno.
Isa na rito ang sambahayan ni Denmark Balobal. Isa si Denmark sa mga naapaketuhan ng enhanced community quarantine. Dahil ang paghahanap buhay niya na pagtitinda ng taho, lubhang napilayan ang kanilang pamilya.
Syempre pa, hindi rin naman maaatim ng isa ama na makita ang kaniyang anak na umiiyak dahil sa matinding pagkalam ng sikmura nito. Nakakalungkot man ngunit wala siyang maipakain sa kaniyang anak.
Wala rin siyang pera para maibili man lang ito ng pagkain at gatas. Wala na ring magawa si Danmark kundi ang mapaluha sa mahirap nilang kalagayan. Para maibsan ang matinding gutom, kinayod na niyog na lamang ang kinain ng mag-ama.
Ibinahagi ng isang netizen ang nakaka-kurot pusong larawan ng mag-ama habang kinakain ang kinayod na niyog. Umapela na rin siya ng tulong para kay Denmark Balobal para mabigyan sila ng sapat na pagkain at iba pang tulong.
Sa interview naman ng programang Magandang Buhay kay Denmark, talagang napapaiyak na lamang umano siya dahil sa kanilang kalagayan. Ang tangi na lang niyang nagawa ay ang manalangin sa Diyos upang manatiling matatag.
Bagaman isang OFW sa Oman ang asawa ni Denmark na si Leah Sapanton, hindi naman ito makapagdala ng pera sa kanila dahil nagsisimula pa lang itong magtrabaho.
At dahil inaalala din ni Denmark ang kalagayan ng kaniyang asawa sa banyagang lupain, nakatanggap naman siya ng voice message mula dito bilang sorpresa.
Nawa nga na matulungn ang ating mga kababayan na tunay na nangangailangan at isabuhay ng bawat Pilipino ang Bayanihan at sama-samang puksain ang pangglobong sakit na C0VID-I9.
COMMENTS