Lingguhang Lamay Sa Bahay Ng Matandang Ito, Ikinabahala Ng Iba

Sa isang taon niyang nakalipat sa bagong bahay, hindi pa din niya mapagtanto kung bakit tila kada linggo na lamang ay mayroong nakaburol sa bahay ni Mang Berto.


Isang taon na ang nakakalipas simula nang lumipat ng bahay si Benjamin, ngunit sa isang taon niyang nakalipat sa bagong bahay, hindi pa din niya mapagtanto kung bakit tila kada linggo na lamang ay mayroong nakaburol sa bahay ni Mang Berto. Ngayon naman nga ay isang babae naman ang pinaglalamayan sa bahay ng matanda.

Dahil dito, hindi na napigilan ni Benjamin na magtanong sa may-ari ng maliit na sari-sari store malapit sa kaniyang tinitirhan na si Aling Josie. Usisa niya dito,

“Namat*yan na naman si Mang Berto? Sino naman sa mga kamag-anak niya ang pumanaw?”



Sagot lamang sa kaniya ni Aling Josie, “Hindi ko kilala, eh. Ang balita ko, eh, nadedo dahil sa AlDS.” 
Nilingon naman muli ni Benjamin ang lamay na nagaganap malapit lamang sa pwesto nila ni Aling Josie.

“Ang dami pa lang kamag-anak ni Mang Berto. Hindi siya nauubusan kahit linggo-linggong may pumapanaw sa kanilang pamilya.”

“Hindi nakikihalubilo si Mang Berto sa mga kabitbahay. Wala talagang nakakakilala sa kaniya dito. Ang alam lang ng lahat ay ang pangalan niya at kung saan siya nakatira. Iyon lang. Wala ng iba,” sagot ni Aling Josie.


Matapos ng kanilang pag-uusap, pumunta si Benjamin sandali sa bahay ni Mang Berto. Ang kabaong ay makikitang nakalagay sa gitna ng sala habang mayroon namang mga silya at maliliit na lamesa ang nakapaligid sa bahay kung saan nandoon ang mga nakikiramay na nagsusugal, kumakain at nagkkwentuhan.

Inobserbahan din ni Benjamin ang bawat galaw ng mga tao, maging ang mga nakikiramay. Sa pag-asang maaari siyang makakuha ng impormasyon kung bakit palagi na lamang mayroong pinaglalamayan sa bahay ng matanda.

Kung titignan, tila isang ordinaryong lamay lamang ang nagaganap sa bahay ng matanda at walang kahit na anumang anomalya ang nangyayari. Ngunit, mas lalong lumawak ang kuryosidad at pagdududa ni Benjamin, lalo pa dahil walang palya at linggo-linggong mayroong pinaglalamayan sa bahay ng matanda. Dahil dito, naisip ni Benjamin na gumawa ng kanilang sariling imbestigasyon.

Matapos nito, araw-araw nang pumupunta si Benjamin sa bahay ng matanda upang makiramay ngunit kahit minsan ay hindi niya nakita si Mang Berto sa lugar kahit pa man ito ay sarili niyang bahay. Kaya naman doon na nagsimulang magtaka si Benjamin at napaisip na lamang kung mayroon bang ibang bahay na tinutuluyan ang matanda.


Nagsimula na ding kausapin ni Benjamin ang mga nakikiramay at napansin niya na kahit isa sa mga ito na tinatanong niya ay sinasabing hindi kilala ang Mang Berto na kaniyang sinasabi.

Mas lalo pang nagtaka ang lalaki dahil tanging nakakakilala lamang kay Mang Berto na kaniyang sinasabi ay ang ina ng yumao.

Kinabukasan, bumalik muli si Benjamin sa bahay dahil iyon na ang araw ng libing at iyon din ang pagkakataon na maaari na niyang makita at makausap si Mang Berto. Nang siya ay makapunta na sa bahay, nakita niya na mayroong isang puting sobre na inabot ang ina ng sumakabilang buhay sa matanda.

Naisip ni Benjamin na baka iyon na ang pagkakataon na malalaman niya kung mayroon bang anomalya ang nangyayari sa bahay ng kaniyang kapitbahay. Ngunit, taliwas sa kaniyang inaasahan na tatanggapin ni Mang Berto ang pera, nagulat na lamang siya dahil hindi nito ito tinanggap at binalik sa babae.

Aalis na sana siya sa lugar nang bigla naman niyang masanggi ang isang paso na naglikha ng malakas na ingay. Dahil dito, napalingon naman sa kaniyang pwesto ang dalawa.


“O, andiyan ka na pala, eh. Sige. Mauna na ko ng makapag-usap na kayo ni Mang Berto.”

Nang makaalis naman na ang babae, kaagad siyang kinausap ni Mang Berto at diretsahan siya nitong tinanong,

“Kailangan niyo rin ba ng lugar para sa lamay niyo? Pasensya na dahil may nauna ng nagtanong sa iyo. Mamayang gabi na darating dito ‘yung bangkay. Subukan mo na lang sa iba. Pero kung sakaling wala kang mahanap bumalik ka ulit mamaya. Pakikiusapan ko sila na maghati na lang kayo ng pwesto sa bahay ko.”

Hindi makapaniwala si Benjamin sa kaniyang narinig na mga sinabi sa kaniya ni Mang Berto kaya hindi na niya napigilan na tanungin ito,

“Hindi niyo kamag-anak ‘yung mga binuburol dito? Walang nangyayari kahit na anong ilegal na gawain dito sa bahay niyo? Kung ganoon bakit linggo-linggong may lamay sa bahay niyo?”

Matapos marinig ang mga katanungang ito ng lalaki at ang bakas ng pagkalito nito, natawa na lamang ng malakas si Mang Berto at sinabing,


“Imposibleng nangyayari ito linggo-linggo. Pero hindi na nakapagtataka na magduda ka dahil hindi naman talaga normal ang nangyayari sa bahay ko. Pinaparenta ko sa halagang isang daan kada araw ang bahay ko sa mga pamilyang walang pambayad sa punerarya para maayos nilang madaos ang lamay ng kanilang yumao. Hindi ko kaanu-ano ang mga binuburol dito.”

Doon napag-alaman ni Benjamin na kahit pa man simple lamang ang pamumuhay ng kaniyang kapitbahay, ay mayaman na pala ito. Sa katunayan, marami din itong pinamamahalaan na negosyo at isa nga doon ang punerarya.

Madalas ay inaalok lamang ni Mang Berto sa mga pamilyang naulila ang kaniyang bahay kapag alam niyang walang pambayad ang mga ito para sa punerarya. Si Mang Berto din ay hindi na naninirahan sa kaniyang bahay at lumipat na ito sa isang condo na siya rin ang nagmamay-ari dahil kada linggo ay ginagamit ang kaniyang bahay sa burol.

Sa kabila ng mga problema na pinagdadaanan ng ating mundo, hindi pa din talaga mawawala ang mga taong handang magbigay ng tulong para sa kapwang nangangailangan. Ang ilan ay nagbibigay ng mga libreng gamot, grocery, o supply, ang iba naman ay nagbibigay ng kanilang libreng serbisyo.

Samantala ang iba ay namamahagi ng mga scholarship sa mga taong alam nilang nararapat na makatanggap nito, at marami pang iba. Ngunit, talagang nakakamngha nga naman ang lalaking ito dahil mas pinili niyang ipagamit ang kaniyang sariling bahay upang may paglamayan hikahos na pamilya ng sumakabilang buhay.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Lingguhang Lamay Sa Bahay Ng Matandang Ito, Ikinabahala Ng Iba
Lingguhang Lamay Sa Bahay Ng Matandang Ito, Ikinabahala Ng Iba
Sa isang taon niyang nakalipat sa bagong bahay, hindi pa din niya mapagtanto kung bakit tila kada linggo na lamang ay mayroong nakaburol sa bahay ni Mang Berto.
https://1.bp.blogspot.com/-Fnv-84-xyh4/XqoxjFLdkoI/AAAAAAACMXc/jhorRRrWEcAx7Px3xufmLi2ypX8gjljYQCLcBGAsYHQ/s640/mang%2Bberto%2Bhouse.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-Fnv-84-xyh4/XqoxjFLdkoI/AAAAAAACMXc/jhorRRrWEcAx7Px3xufmLi2ypX8gjljYQCLcBGAsYHQ/s72-c/mang%2Bberto%2Bhouse.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/04/lingguhang-lamay-sa-bahay-ng-matandang.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/04/lingguhang-lamay-sa-bahay-ng-matandang.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy