Nag tanim sya ng mahigit 6,000 na puno ng sa gayon malala niya ang kanyang pinakamamahal na asawa.
Dahil sa pag ibig maraming tao ang gumagawa ng kung ano-ano para lamang mapasaya o bigyan halaga ang kanilang mga minamahal.
Lahat gagawin para sa mga taong nagbibigay ng lakas at inspirasyon sa bawat pag sikat ng umaga. Kaya nga naman talagang walang impossible sa taong nagmamahal ng lubusan.
Ito ay matatawag na labis na pagmamahal na walang sino man ang makakatumbas.
Gaya lamang ng isang lalaki na nag ngangalang Winston Howe, kung saan walang basihan at walang impossible pagdating sa taong kanyang minamahal sa buhay.
Sa isang article na Newsner, si Winston ay masayang ikinasal sa kanyang asawa na si Janet. Lahat ay nakakaalam kung gaano kamahal at kung gaano kasaya ang pagsasama ng dalawa at kung gaano nila pinapahalagahan ang bawat araw na sila ay mag kasama.
Ngunit matapos ang 33-taon ng pagpapakasal, si Janet ay namatay dahil sa heart attack. Matapos ang 20-taon gumawa ng kakaibang pag-alala si Winston sa kanyang asawa.
Nag tanim sya ng mahigit 6,000 na puno ng sa gayon malala niya ang kanyang pinakamamahal na asawa.
Ngunit ang mas nakaka bilib, ito ay hugis puso, ito ay naka tago sa loob ng 17-taon. Ngunit sa taong 2012 ito ay natuklasan ng karamihan.
Ito ay matapos makita ng lalaki na si Andy Collet, kung saan sya ay nasa hot air balloon at talaga ngang nakita niya na hugis puso ang lahat ng puno na tinanim ni Winston.
Nakakamanghang isipin na ito ay hinangaan ng buong mundo.
Ito lang ang tanging nag papaalala sa kanilang oras na pagsasama, at sa tuwing sya ay naglalakad dito ang kanyang pagmamahal sa kanyang asawa ay nasa puso at isipan parin niya.
"It is a lovely and lasting tribute to her where which be here for years" saad pa ni Winston.
COMMENTS