Dahil na rin siguro sa kanilang tapat at magandang serbisyo na ibinibigay sa kanilang nasasakupan, plus points na lang sa good looks na mayroon silang dalawa.
Usap-usapan ngayon sa social media ang batang alkalde mula sa San Miguel, Tarlac dahil bukod sa artistahing ganda nito, patuloy rin ang magandang serbisyo na ibinibigay nito mula sa kanilang lugar.
Dahil na rin dito, marami naman sa ating mga netizens ang nagsimula na ring i-ship silang dalawa ni Pasig City Mayor Vico Sotto dahil saad ng ilan sa kanila ay bagay na ang dalawa para sa isa't isa.
Dahil na rin siguro sa kanilang tapat at magandang serbisyo na ibinibigay sa kanilang nasasakupan, plus points na lang sa good looks na mayroon silang dalawa.
Ngunit, sino nga ba si San Manuel Mayor Donya Tesoro na nirereto ngayon ng mga netizens kay Mayor Vico?
Siya ay si Dona Cresencia R. Tesoro o mas kilala sa tawag na 'Donya', na ipinanganak sa San Manuel, Tarlac noong Abril 5, 1991. Ang ama naman Donya ay dating mayor ng Tarlac, na ngayon ay Vice Mayor na ng kanilang lugar.
Si Donya ay nag-aral sa O.B. Montessori Center Inc. sa Greenhills, San Juan. Matapos makapagtapos mula sa naturang paaralan, kumuha naman siya ng master's degree na Public Administration sa Ateneo de Manila University.
Noon taong 2019, siya ay nahalal bilang Mayor ng San Manuel Tarlar. Sa ngayon, siya ay isa sa mga pinakabatang nahalal na mayor sa buong Luzon.
Bukod sa pagiging mayor, si Donya rin ay mahilig lumibot sa iba't ibang lugar sa labas ng bansa katulad ng Italy at Paris.
Dahil na rin ilang taon ng nagseserbisyo sa publiko ang kaniyang pamilya, hindi rin nakakapagtaka na malapit rin si Donya mula sa Pangulong Rodrigo Duterte.
Ngunit, bago pa man mahalal bilang Mayor si Donya sa kanilang lugar, naging councilor at vice mayor muna siya ng Tarlac.
Sa ngayon, abala naman si Donya sa pamamahagi ng mga relief goods para sa kaniyang nasasakupan dahil sa enhanced community quarantine dulot ng pandemic na C0VID-19.
Samantala, kahit pa man maraming nagshi-ship kay Mayor Donya at Mayor Vico, tila wala pa ngayon sa isip ni Donya ang magkaroon ng karelasyon dahil nga sa pagiging abala sa kaniyang tungkulin.
COMMENTS