Isang malungkot na balita para sa GMA nang mapagpasyahan ni Rhea na lisanin ang karera niya dito sa Pilipinas kapalit ng pagtira niya kasama ng kanyang pamilya sa Canada.
Ang pagiging isang News Anchor o News Reporter ay isa sa mga sensitibo at mahirap na trabaho. Sensitibo ang pagiging isang reporter dahil dapat alam mo kung ano ang iyong iniuulat at dapat alam mo din na ang bawat salitang sinasambit mo ay alam mo din dahil madami sa atin ang mga kritisismo pagdating sa pagbigkas at pag-uulat.
Mahirap ang ganitong trabaho dahil sa ito ay isang “BUWIS BUHAY” na trabaho. Umulan, umaraw at may kalamidad man ay dapat laging present ang ating mga magigiting na reporter upang sa gayon ay maihatid nila ng maayos ang mga nangyayari sa ating kapaligiran.
Naging isang haligi na nga ng pagbabalita at lagi din nating siyang nakikita sa Unang Hirit news anchor na si Miss Rhea Santos.
Nagsimula si Rhea bilang isang segment producer at kalaunan ay nakapasok siya sa mga ilang programa ng GMA Kapuso Network. Nagsilbi siya ng mahigit 19 na taon at bukod sa pagbabalita ay nakapaghatid siya sa ating bayan ng mga impormasyon tungkol sa buhay at estado ng mga mamamayang Pilipino ditto sa ating bansa.
Ngunit, isang malungkot na balita para sa GMA nang mapagpasyahan ni Rhea na lisanin ang karera niya dito sa Pilipinas kapalit ng pagtira niya kasama ng kanyang pamilya sa Canada.
Sabi niya ay hindi niya naman iiwan ang career nya bilang isang reporter bagkus mag-aaral siya doon sa Canada ng kursong Digital Journalism.
Sa edad daw ni Rhea na 40 na taon ay ayaw nya daw magpalagpas ng mga oportunidad tulad ng pag-aaral sa Canada. Siya daw ngayon ay nag-aaral sa British Columbia Institute of Technology tungkol sa pageenhance pa ng kanyang broadcasting skills at dagdag kaalaman tungkol sa online journalism.
Nang siya ay umalis ay hindi niya pinalagpas na kuhanan ng litrato ang naging buhay nya sa Canada. Mula ng pagdating doon, pag-eehersisyo araw-araw at pamimili ng mga gamit niya at ng kanyang pamilya.
Ang isa daw sa namimiss niya ay ang mga pagkaing Pinoy at nagrequest pa ang kanyang anak na magluto ng sinigang at sa kabutihang palad ay nakahanap siya ng Sinigang Mix.
COMMENTS