Kamusta Na Kaya Si Mommy Divine Ngayon Matapos Ang Nangyari Sa Sarah-Matteo Wedding

Nagkaroon ng pagkakataon ang isang talent manager na si Wowie Rozas o mas kilala sa tawag na Daddie Wowie na mas makilala pa ang ina ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine.


Nagkaroon ng pagkakataon ang isang talent manager na si Wowie Rozas o mas kilala sa tawag na Daddie Wowie na mas makilala pa ang ina ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine matapos nitong makita ng personal si Mommy Divine sa isang pamilihan.

Noong nakakaraang buwan lamang, isa si Mommy Divine sa pinagusapan ng marami sa socmed dahil sa pagtutol at panggugulo umano na ginawa nito sa reception ng kasal ng kaniyang anak na si Sarah at ang dating kasintahan na ngayon ay asawa na nito na si Matteo Guidicelli.

Nagkaroon naman ng pagkakataon si Daddy Wowie na makausap ng personal si Mommy Divine nang makita niya ito sa isang restaurants/store sa Mindanao Avenue, Quezon City na pagmamay-ari ng pamilyang Geronimo noong Marso 10 habang siya ay namimili ng kaniyang mga grocery supplies.


Si Daddy Wowie naman ay ang siyang nakadiskubre kay Mayor Isko Moreno at nagpasok dito sa industriya ng showbiz. Sa kasalukuyan, ito rin ang manager ng anak ni Mayor Isko na si Joaquin Domagoso.

Kwento ni Daddy Wowie, ang pagkikita daw nila na iyon ni Mommy Divine ay unang pagkakataon lamang dahil siya ay sinama lamang ng manager ng singer na si Martin Nievera na si Joy Alonzo para samahan itong mamili sa naturang pamilihan.


Noong makita daw ni Daddy Wowie si Mommy Divine habang ito ay nagtitinda, nakita daw niya na bakas pa rin sa mukha nito ang kalungkutan.

Dahil na din siguro sa mga kontrobersiya at problema na kinaharap ng kanilang pamilya sa pagpasok pa lamang ng taon. Hindi naman na daw tinanong ni Daddy Wowie kay Mommy Divine ang tungkol kay Sarah.


Ang tagpo naman na ito ay ibinahagi ni Daddy Wowie sa Cabinet Files kung saan ipinahayag niya ang kaniyang paghanga para sa sipag na mayroon si Mommy Divine dahil sa kabila ng mga problema at pagsubok na kinakaharap nito magpa hanggang ngayon, ito ay nananatili pa ring nagtitinda ng mga gulay mula sa sariling farm ng kanilang pamilya.


Ani Daddy Wowie,

"Mga fresh na gulay ang tinitinda ni Mommy Divine. May mga kalabasa, kamote, radish. Nagtitinda rin siya ng suka sa pwesto nila sa Mindanao Avenue."

Dagdag niya,

"First time ko na ma-meet si Mommy Divine, dahil isinama lang ako ni Joy."



Bukod pa dito, nakapagpakuha rin ng larawan si Daddy Wowie kasama si Mommy Divine. Sinabi din ni Mommy Divine sa kaniya na huwag na sanang i-post ang kanilang larawan.

Samantala, nagpahayag din ng paghanga si Daddy Wowie kay Mommy Divine dahil magaling din daw itong mag sales talk at talagang mapapabili ka sa mga paninda na kaniyang ibinebenta.


Para kay Daddy Wowie, ang kaniyang nasaksihan kay Mommy Divine tungkol sa pagiging negosyante at galing nito sa pagbebenta ay patunay lamang na hindi totoo ang mga spekulasyon ng mga tao tungkol dito na hindi lamang si Sarah ang inaasahan sa kanilang pamilya.

Samantala, ang larawan naman ni Daddy Wowie at Mommy Divine ay ang unang beses na muling nasilayan ng publiko si Mommy Divine matapos ang kontrobersiya na kinaharap nito na pagpigil umano nito sa reception ng kasal ni Sarah at Matteo na naganap sa isang restaurant sa Bonifacio Global City noong Pebrero 20.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,229,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,361,Tips,60,Trending,379,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Kamusta Na Kaya Si Mommy Divine Ngayon Matapos Ang Nangyari Sa Sarah-Matteo Wedding
Kamusta Na Kaya Si Mommy Divine Ngayon Matapos Ang Nangyari Sa Sarah-Matteo Wedding
Nagkaroon ng pagkakataon ang isang talent manager na si Wowie Rozas o mas kilala sa tawag na Daddie Wowie na mas makilala pa ang ina ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine.
https://1.bp.blogspot.com/-woR3n3ZzouM/XowFD_MofGI/AAAAAAACJds/3wixHnhEHtclBZRGfkIZ8scN46LhMlQwgCLcBGAsYHQ/s640/dadhie%2Bwowie%2Bdivine.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-woR3n3ZzouM/XowFD_MofGI/AAAAAAACJds/3wixHnhEHtclBZRGfkIZ8scN46LhMlQwgCLcBGAsYHQ/s72-c/dadhie%2Bwowie%2Bdivine.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/04/kamusta-na-kaya-si-mommy-divine-ngayon.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/04/kamusta-na-kaya-si-mommy-divine-ngayon.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy