John Lloyd Cruz, Inamin Ang Totoong Nararamdaman Kay Bea Kahit Noon Pa Mang Magkatrabaho Pa Sila

Pinag-usapan nila ang lahat ng mga nangyari sa kanilang buhay at iba pang bagay habang silang dalawa ay malayo sa isa't isa at hindi na nakakapagkamustahan.


Marami sa ating mga netizens, lalong lalo na ang mga taga-hanga at sumusuporta sa tambalang Bea Alonzo at John Lloyd Cruz ang nagulat dahil sa livestream video ng longtime on-screen partner sa kanilang IG account noong Lunes.

Pinag-usapan nila ang lahat ng mga nangyari sa kanilang buhay at iba pang bagay habang silang dalawa ay malayo sa isa't isa at hindi na nakakapagkamustahan.

Ang simpleng IG live session lang sana ng actress na si Bea upang ibahagi ang recipe para sa kaniyang 'bagoong rice' ay naging throwback na para sa marami nang imbitahan ng actress si John Lloyd na sumama sa kaniyang 'Kamustahan' stream kasama ang kaniyang mga followers. Noong mga oras naman na iyon, si Bea ay kasalukuyang nasa Metro Manila habang ang actor naman ay nasa Cebu.


Sa loob ng ilang oras na pag-uusap at kamustahan ng dalawa, napag-usapan din nila ang pandemic na kinakaharap ng buong mundo ngayon kung saan doon nakita ng mga netizens ang malaking pagkakaiba ng ugali sa pagitan nilang dalawa - ang pagiging positibo ni Bea at ang pagiging pesimismo ni John Lloyd.

Samantala, sa dulo naman ng pag-uusap ng dalawa, napag-kwentuhan din nila ang mga hindi nila malilimutang mga linya sa kanilang proyekto, tulad ng kauna-unahan nilang series na magkasama na 'Kay Tagal Kang Hinintay' na naipalabas noong 2002.



Nagsambit din si John Lloyd ng isang linya mula sa pelikula na 'A Very Special Love' kung saan ang leading lady niya ay si Sarah Geronimo.

Ang pagbibirong ito ni John Lloyd ay umani naman ng ibang reaksyon mula kay Bea kaya naman hindi na napigilan ng actor na tuksuhin ito at sabihin na marahil ito ay nagseselos lamang dahil sa ibang linya na kaniyang nabitawan kasama ang ibang leading lady.

Matapos nito, naging seryoso muli si John Lloyd at sinabi kay Bea:

"Nandoon ko noong nagmahal ako, nandoon ka noong nasaktan ako, nandoon ka noong wala akong matakbuhan, nandoon ka noong kailangan ko ng kaibigan, nandoon ko noong kailangan ko ng kausap."


"Pag binabalikan ko lahat ng 'yun, minsan hindi ko na alam kung ano pa tayo, eh. Kung sino tayo. Pero okay lang, kasi ang mahalaga 'yung nandoon ka. Iyon lang, sapat na 'yun."

Dahil sa mga linyang ito na binitawan ng actor, makikita naman ang pagkalito sa mukha ni Bea kaya tinanong niya ito kung saang linya sa kanilang pelikula ang mga pahayag na sinabi niya.

"Wala, gusto ko lang sabihin."

Sa mga oras na iyon, natuon naman ang pansin ni Bea tungkol sa imahe na kanilang pinapakita sa publiko at kung saan doon ang totoo nilang pagkatao. Kaya naman tinanong niya ang actor kung talaga nga bang alam nila ang kanilang totoong pagkatao.


Tanong ng actress kay John Lloyd:

"Itong kausap ko, sino 'yan? Si John Lloyd o 'yung totoong ikaw?"

Sagot naman nito,

"Sino nga ba 'yung totoong tayo? Meron bang ganun?"

Sinabi naman ni Bea na naalala niya sa kanilang pag-uusap ang linya na galing kay Basha, ang kaniyang role sa isa sa kanilang pinakasikat na pelikula na magkasama na 'One More Chance'.

Binanggit naman ni Bea ang linyang ito sa actor at sinabing,

"Now it all makes sense. Kahit na may nararamdaman akong mali, I chose to look away, I chose to keep quiet. Kasi ang sabi ko, ang nagmamahal, naniniwala, nagtitiwala."


Nang tanungin naman ni John Lloyd si Bea kung ang mga salita bang iyon ay galing kay Basha o kay Bea, sagot ng actress,

"Sabi ni Basha, pero sabi ko rin."

Matapos ang mga salitang ito na binitawan ni Bea, natawa na lamang si John Lloyd at kinuha ang kaniyang gitara upang tugtugin at kantahin ang kanta na 'You are my Sunshine'.

Matapos ang pagkanta ni John Lloyd, ang kanilang pag-uusap naman ay natigil ng bahagya dahil sa katok na galing sa pintuan ni John Lloyd. Doon ay lumabas naman ang kasama ni John Lloyd na karga karga si Elias, ang kaniyang isang taong gulang na anak sa dating kasintahan na si Ellen Adarna.


Ito din ang kauna-unahang pagkakataon na ipinakilala ni John Lloyd si Elias sa harap ng camera at kumaway din ito kay Bea.

Doon na din natapos ang pag-uusap nila John Lloyd at Bea dahil kailangan na niyang patulugin si Elias.

Samantala, kahit pa man isa sa mga kilala at hindi malilimutang loveteam, ilang beses na din nilang tinanggi na sila ay magkarelasyon sa totoong buhay. 

Sa ngayon, ang dalawa ay parehas na single dahil kakahiwalay lamang din ni Bea kay Gerald Anderson at ni John Lloyd naman kay Ellen Adarna noong nakaraang taon lamang.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: John Lloyd Cruz, Inamin Ang Totoong Nararamdaman Kay Bea Kahit Noon Pa Mang Magkatrabaho Pa Sila
John Lloyd Cruz, Inamin Ang Totoong Nararamdaman Kay Bea Kahit Noon Pa Mang Magkatrabaho Pa Sila
Pinag-usapan nila ang lahat ng mga nangyari sa kanilang buhay at iba pang bagay habang silang dalawa ay malayo sa isa't isa at hindi na nakakapagkamustahan.
https://1.bp.blogspot.com/-Gliu8Q5n34I/XqpTQhQEt1I/AAAAAAACMZI/_SGMGB7zbe8bGK32wOM0wcVKc3TUbt75ACLcBGAsYHQ/s640/lloydie%2Bbea.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-Gliu8Q5n34I/XqpTQhQEt1I/AAAAAAACMZI/_SGMGB7zbe8bGK32wOM0wcVKc3TUbt75ACLcBGAsYHQ/s72-c/lloydie%2Bbea.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/04/john-lloyd-cruz-inamin-ang-totoong.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/04/john-lloyd-cruz-inamin-ang-totoong.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy