Isang Nurse, Malungkot Na Inalala Ang Huling Sandali Ng Pasyenteng May C0VID-19

Isang araw, habang siya ay nasa duty sa kalagitnaan ng pandemic na kinakaharap ng ating bansa ngayon, mayroon isang pangyayari na hinding hindi niya malilimutan.


Kamakailan lamang, naging usap-usapan sa socmed ang rebelasyon ng isang nurse sa Philippine General Hospital tungkol sa hirap at sakripisyo na pinagdadaanan nila ngayon para lamang malabanan ang patuloy na pagkalat ng C0VID-19 sa bansa.

Kwento ni Geramie Dominguez - Dasilao sa kaniyang socmed post, nasanay na daw sya sa mga intubated na pasyente, sa maraming drips, sa room na malamig, sa pagsusuction, at sa pagbabantay at pago-obserba ng status o kalagayan ng kanilang pasyente dahil anim na taon na rin siyang nagtatrabaho sa Intensive Care Unit bilang nurse.

Ngunit, isang araw, habang siya ay nasa duty sa kalagitnaan ng pandemic na kinakaharap ng ating bansa ngayon, mayroon isang pangyayari na hinding hindi niya malilimutan.


Ayon kay Dasilao, isa sa kanilang pasyente ang pumanaw dahil sa naturang sakit noong mga panahon na iyon. Ngunit, ang mas kinalulungkot nilang mga health workers nang mga sandaling iyon ay ang reyalidad na pumasok sa kanilang isipan.

Ito ay ang m4matay ang naturang pasyente dahil wala man lang kahit isang kamag-anak ang nasa tabi nito habang naga-agaw buhay ito, walang anak na hahalik o yayakap hanggang sa huling sandali ng kaniyang buhay dahil hindi rin makakalapit ang mga ito sa kaniya dahil maaaring mahawahan ang mga ito ng naturang v1rus.



Kwento ni Dasilao, sakit sa katawan at pagod ang madalas nilang kinakaharap na mga frontliners dahil sobrang init rin sa katawan ang suot suot nilang PPE na magpoprotekta sa kanila para hindi magkaroon o mahawahan ng sakit.

Tinitiis nila ang mahigit na walong oras na nakatayo at palakad lakad para obserbahan at tignan ang kalagayan ng kanilang mga pasyente habang suot suot ang PPE.

Ngunit, ang lahat ng hirap at pagod na ito ay kailangan tiisin nila Dasilao nang sa gayon ay hindi sila mahawahan ng kanilang pasyente at hindi rin nila mahawahan ang kanilang mga mahal sa buhay.


Saad ni Dasilao, may takot rin silang nadarama, lalo pa ng kumalat ang balita na ang ospital na kanilang pinagtatrabahuhan ang gagawing center para sa mga C0VID-19 patients sa bansa.

Kahit pa man sila ay natatakot, hindi lamang para sa kanilang sarili kung hindi maging sa kanilang pamilya, hindi sila sumusuko at umuurong dahil kailangan ngayon ng bansa ang kanilang serbisyo para mapuksa na ng tuluyan ang v1rus.

Hiling lamang ni Dasilao na sana ay matapos na ang laban na ito at tuluyan ng mapuksa ang pandemic na C0VID-19.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Isang Nurse, Malungkot Na Inalala Ang Huling Sandali Ng Pasyenteng May C0VID-19
Isang Nurse, Malungkot Na Inalala Ang Huling Sandali Ng Pasyenteng May C0VID-19
Isang araw, habang siya ay nasa duty sa kalagitnaan ng pandemic na kinakaharap ng ating bansa ngayon, mayroon isang pangyayari na hinding hindi niya malilimutan.
https://1.bp.blogspot.com/-fM30FDU9JPU/XolpynHauQI/AAAAAAACJRo/y0Bb8xdgFdISUzagGeyRqu62l6mRy5DbgCLcBGAsYHQ/s640/geramie%2Bmessage.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-fM30FDU9JPU/XolpynHauQI/AAAAAAACJRo/y0Bb8xdgFdISUzagGeyRqu62l6mRy5DbgCLcBGAsYHQ/s72-c/geramie%2Bmessage.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/04/isang-nurse-malungkot-na-inalala-ang.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/04/isang-nurse-malungkot-na-inalala-ang.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy